Skip to main content

Posts

Showing posts from 2008

TAO, TAE AT TAONG BULATE

Makikita mo sa lisik ng mga mata ng tao Ang bahid ng kahayupan ng kanyang kamao Kung saan gumagapang ang modernong demonyo Bagsik ng liyab ng impyerno ay nasa mundo Ganid ang dugong dumadaloy sa ugat ng tao Tao’y hindi isla ngunit hanggang lalamunan lang ito Isusubo na lang ng langgam, hahablutin pa ito Taong nakapuwesto, hindi ka ba ganito? Simula pa nung tayo’y magkaulo Kung umasta parang bulate sa katawan ng tao Tama, ang tao’y bulate sa sarili niyang pagkatao Bulateng nagtatau-tauhan sa madla ng mundo Dapat bulate, karumaldumal kang tinatae Idiretso sa banyo ilugmok sa inidoro Kasama lahat ng buhay na marumi Kaya ngayon ang tawag ko sa iyo ngayon ay taong tae Taong tae taong tae na galing sa bulate Ginawa mong lungga ng lagaw ang mga lalaki’t babae Wala kang patawad pati sa batang inosente Dapat sa ‘yo tae ay ginagarote Kaya huwag magmalaki sa kapangyarihan mong angkin O sa mga armas at puso mong itim Balang araw ‘pag sumakit ang tiyan, itatae lang kita sa inidoro At iuumpog ko ang

Haring Sinungaling

Naalala ko, hindi pala bilog ang mundo. Sapagkat naumpog ako sa mga sulok nito Ang ulo ko ngayo’y duguan Umaagos ng mahinahon sa kasinungalingan Kadiliman at kaulapan,dumadalaw sa bawat pagpikit Tubig na toro, nakita ang kapang nakapatong sa aking muka Lalamunin ng buhay at walang pakundangan. Lalagutan ako ng hininga ni Haring kasinungalingan Nilunod mo ako sa kasinungalingang iyong hinango sa totoo mong angkan Kinuha mo ito sa sapang mababaw at isinulpak sa aking mata Binulag mo ako o kay hapdi ng pakiramdam Hindi ako makakita at makaaninag man lang Dinadala mo ako sa yantok na may ahas Ngunit kinakaladkad mo ako sa putik ng kamuhian At ang bulkan sa aking dibdib Ay umaapaw sa kasinungalingan ng mundo Hindi ko maintindahan kung paano mo naaatim Ang isang madayang pagpapahiwatig Ng iyong mga saloobin Ikaw hari ng kasinungalingan Ang trono mo’y hindi mahagilap At kung saan man ang lakbay Patungo ka sa daan ng iyong kaharian Hindi ko mahagilap sa baol ng iyong kaisipan Ang sinasabi mon