Skip to main content

Posts

Showing posts from 2014

Your Grace

Black Digital ravens slowly descend Sliding to open does my hand Unearthing the letter from your Grace Reforming your Sansa's face Galloping steps between our Wall Heavy as the Red wedding at the Hall Can never be mine your Grace Gaze at my white walker face Our path begets Winterfell A great kingdom burned to hell See through the flames your grace Murder by the Hound's daze A visit from the One Eyed Crow Is an arrow from Ygritte 's bow Its the beheading scene your grace These mind bending plots to haze

Pasensyoso

Isang kuwarto, dalawang pintuan Modernong musika at kompyuter Nasa kabila ka, ako andito Di tayo magkakilala, naaantok ako. Isang laban para kung kanino man ang mag-antay ng ilang oras sa kawalan Parang may lilitaw na bulalakaw Unti-unting hihigupin ang ngiti, nakapasak sa mukha Parang may alien na lilitaw sa kisame at hihigupin pataas O ang kamang katabi ko may hihigang hubad na babae O biglang may taong kakausap sa akin, Di ko siya kilala.

Huling Sandali

Mabigat ang ulo. Pinilit buksan ang mga puyat na mata. Tumingin sa may pintuan ng malamig na kwarto, at may nakadungaw na isang babaing nakaputi. Ang sabi niya'y "Doc, may referral kayo sa ER". Tiningnan niya ang kanyang orasan, 3:15 am. "Aah, halos isang oras pa lang.." Ito na ang pangdalawampung oras niya sa kanyang duty bilang isang ENT intern nung araw na iyon at ito na rin ang pinakahuling duty niya bilang isang medical intern. Isang oras pa lang siya nakaidlip, may tawag na naman. Tumayo siya at medyo hilo. Humawak sa upuan at pader, at tumigil ng sandali. Binuksan ang pintuan at pumunta sa nurse station upang abutin ang telepono. Medyo malabo pa ang kanyang paningin dahil sa liwanag. Tinahak niya ang hallway na parang umiikot. Kinuha ang telepono. Nakinig. Kinusot niya ang kanyang mga mata at binaba ang telepono. Inulit niya uli sa kanyang isipan ang sinabi ng ER nurse na kanyang nakausap. "Doc, may referral po kayo from IM,

ORIENTATION FOR M.D. WANNABEES (pre-med courses to take)

(I wrote this several years ago. I guess 2007...when I was in Med School... but I didn't publish it. It was boring and too long. This was my view few years back. Oh well.  Now I am about to take my diplomate boards. I'll publish this trash anyway. Haha!  Sorry for the wrong grammar.) What do you want to be when you grow up? I want to be a doctor. I heard that countless times. I've watched children in TV saying those words, worst, I uttered the same famous answer gazillion times. Fortunately, I became one. But not fully pledged, still have to pass the physician boards. I really just want to rest. What the heck. This blog is for the aspiring doctors, seeking a mini orientation. I am the lone doctor in our family, my father is a lawyer, and I have to take it all from experience. What I wrote down here, is from my experience, thus it may vary from person to person, and I apologize if the facts(?) I typed here are distorted and influenced by my alzheimeric memory. One

Hindi

hindi na ko titingin hindi na ko babaling hindi na ko sisilip nakakaduling hindi na kita iisipin hindi na kita gagambalain hindi na kita papansinin nakakapuwing

Ibig

Sa Starbucks Sa Pancake house Sa Mcdo SaTeriyaki Boy Sa Kotse...Burger King Bat ka sumasama? Bat ka pinapasama? ah oo. kaibigan. Kaibigan o Kaibigan?

Dating Umaga

(photo captured from Coastal Cove Resort, Dingalan, Aurora) Pagkamulat ng mata. Mga kahoy ng pangalawang kama ang nakita. Sa bahaging kaliwa. May harang ang bintana. Pilit na pumapasok ang liwanag ng araw Sa kuwartong seryoso at katutuwanan. Sa bahaging kanan ay isang pader na nakaharang. Isang balakid. Isang paalala. Tumayo. Nag-inat. Sumilip sa pangalawang kama. Sa itaas. Isang bulaklak. Kulay rosas ngunit puti ang pangalan. Minasdan ko ang petalya nitong tahimik na nakapikit. Isang pagtulog habang payapang nanaginip. Mga dahon nito'y kumukurba sa lamig. Bumukadkad ng mabagal. Kagandahan at halimuyak ay natural. Binaling ang tingin sa iba. Nagmamadali baka makita. Bumaba siya. Tumalikod. Umalis. Lumapit sa pinaggisingan. Naiwan ang bango sa unan. Naramdaman ang init ng pinaglapagan. Sabay ng lamig ng hamog sa damuhan. Isang umagang dating nadatnan.