Skip to main content

Posts

Showing posts from April, 2014

Huling Sandali

Mabigat ang ulo. Pinilit buksan ang mga puyat na mata. Tumingin sa may pintuan ng malamig na kwarto, at may nakadungaw na isang babaing nakaputi. Ang sabi niya'y "Doc, may referral kayo sa ER". Tiningnan niya ang kanyang orasan, 3:15 am. "Aah, halos isang oras pa lang.." Ito na ang pangdalawampung oras niya sa kanyang duty bilang isang ENT intern nung araw na iyon at ito na rin ang pinakahuling duty niya bilang isang medical intern. Isang oras pa lang siya nakaidlip, may tawag na naman. Tumayo siya at medyo hilo. Humawak sa upuan at pader, at tumigil ng sandali. Binuksan ang pintuan at pumunta sa nurse station upang abutin ang telepono. Medyo malabo pa ang kanyang paningin dahil sa liwanag. Tinahak niya ang hallway na parang umiikot. Kinuha ang telepono. Nakinig. Kinusot niya ang kanyang mga mata at binaba ang telepono. Inulit niya uli sa kanyang isipan ang sinabi ng ER nurse na kanyang nakausap. "Doc, may referral po kayo from IM,