Skip to main content

Posts

Showing posts from October, 2015

sanay maghintay

parang huni ng ibon, paulit-ulit bawat minuto tumutunog o parang dalisdis ng pang basketbol na sapatos sa bawat hinto o yapak sa tabladong sahig hamburger na puti na may dalawang mata nagpapaugong sa kaliwang tenga sa kuwarto kung saan daan na babae ang bumukaka kung saan nakapatong ang pizza ko sa hinihigaan nila at balak kong ibigay ang pizza sa guwardiya mamaya o ibaon ko na lang. nilalamig na mga instrumento ko pati siguro yung mga babaeng bumukaka rito nanghuhuli ng mga kriminal papindot-pindot,  o kaya sumasalakay ng bayan gamit yung mga maiitim na lobong may bomba isang oras pa, may pupunta pa kaya noong isang araw pila sila kinain ko na rin ung pizza tapos pinalipat ako ng kuwarto wala na yung tunog mayroon pa rin pala may dumating.

E.N.D.

i wont budge. i wont look. i wont ask for your help. i wont answer your questions. i wont reply if it is not needed. i wont. i will not. yes.  you lose.