Skip to main content

Posts

Kinang

Kailangang ilabas itong nararamdaman kahit sa papel man lang Kung saan man may pinaghuhugutang sikretong tulad nito Kalauna'y dapat iniiwan at maging santo Kasama ng pag-akyat ng tala sa madilim na langit Kaibuturan ng pag-iisip ay hinahadlangan ng pagsusuri Kinatatakutan na sumasagi-sagi sa paningin ang kaba ng dibdib Kabaliwan kung seseryosohin at bibigyang pansin Katanungan kung sa ibang oras at mundo nagtagpo Kakalimutan ko na lang Kinang - ina.

INGAY NG BUHAY

Nakakabingi... pagaspas ng mabibilis na pakpak ng mga bubuyog ang tusong sitsit ng ahas ang tagaktak ng ulan sa yerong nabubulok kasama na ang dagundong ng kulog paghampas ng matatangal na yero sa kahoy ang unti-unting pagluwag ng pako sa alulod Napakaingay... huni ng gamit na bentilador ang paglusot ng hangin sa mga bakal nitong takip takip na tadtad ng malagubat na alikabok ang papalit-palit na tampisaw ng telebisyon at ang pagod na pitik kaway ng mga dahon na sumasabay sa hatak ng hangin ang garalgal ng jeepney at tricycle sa malutong na lubak ng mga daan Ang ingay ng higanteng eroplano sa taas na panandaliang nagiging tunog ng blankong isip ng mga tupang nakamasid sa espasyo ng kamalayan Ang sigaw ng mga kababayang umaanod na lang sa hirap ng buhay Ang tibok ng mga puso na pilit na lumalaban sa hinagpis ng init ng dusa Maingay ang utak ko. sa gitna nito, ikaw ang balanse sa ingay ng mundo ikaw ang boses ang aking pag-idlip ikaw ang kapayapaan na bumubulong ikaw na nawala na ngunit ...

Sumpa

Medyo namahinga ako sa pagsusulat Sapagkat lubog ako sa unos sa loob ng hospital Bawat segundo ay ramdam Taas baba ang anino at araw. Parang sumasali sa frat ang residency training dito sa unibersidad na minsa'y nasa ilalim ng baha at ako'y nasa kailaliman ng sumpa.

GS 415

lumalakad na parang prinsesa suot ang puting uniform na bagong plantsa puting laso sa buhok mong makintab mata at puso umaalab pahawak-hawak pangiti-ngiti patingin-tingin sisilip na lang mukhang libro para masilayan ang mga matang kumikinang pipikit na lamang ako sapagkat ikaw ang pangarap ko patext-text pakain-kain palakad-lakad hihintayin na lang ang larawan sa mukhang libro para masilip ang ngiting sumasamo at matang parang sumasalok ng ngiti at saya galing sa akin

Kaguluhan

Sumuka sa huni ng binibini Pasirkong lagpak sa palapag Sumambulat ang kahibangan Panahon na di mababalikan Tumimpla sa daloy ng balon Panibugho ni Adan sa Diyos Pisil ng hayop sa kalamnan Ang sugat na kinamuhian Patago sa init ng araw Umaalpas sa lamig ng bituin Idlip na animo'y bangungot Sumisilip ng walang lintik Ang talbog ng dibdib nananaginip at nagmimithi Ang mga sinaunang sarap Makamtan muli Lumabas sa unos Sa kaulapang maliwanag Pagpigil ng ngiti Lumipad ng tuluyan Umaagos ang ginto Humihiyaw ang sirena Tingin sa mga nakausad Matatahimik na

Ang Mga Tao sa Layb (part 3)

basahin ang part 1 basahin ang part 2 Nilapit ko ang libro sa aking humahabang ilong. Ginalaw ko ang aking leeg, paikot na pakanan, paikot na pakaliwa habang hawak ang libro sa kaliwang kamay, sinilip ang ilalim ng mga mesa sa tabi, baka nagtatago ang may-ari. Tiningnan ko ang libro. Nakabalot sa isang espesyal na kulay, lila. Natibo ako ng mga maliliit at malalambot na balahibo na tekstura ng balot. Imbis na makasugat ito ay nagbibigay kiliti sa aking mga daliring pilit kumakapit. Huminga ulit, ngayon ay malalim. Ang kanyang halimuyak...ay parang isang nagtatagong hardin sa likod ng isang mansyon, mabigat ang hangin, maaamoy ang simoy ng mga nagkalat na bulaklak, ang maligamgam na init ng iyak ng umaga, ang pagaspas ng mga tangkay ng puno habang sumasagi ang malambot na hangin, ang mga damong tila kumakalabit sa paa at ang hamog na dahang-dahang kinukulayan ang kapaligiran. “Sino kaya may-ari nito? At sinong tao ang gagamit ng cover na ganito?” Binuksan ko ang libro, ang u...

Ang Mga Tao sa Layb (part 2)

(basahin muna ang part 1 ) Inalis ko ang upuan sa pagkakabit nito sa mesa. Pinili ko ang pang-isahang mesa ngunit konektado sa lima pang mesa sa tabi nito. Ang mesa na may tatlong harang para sa gagamit. Isa sa kaliwa, isa sa kanan at isa sa harapan. Ginawa ito para hindi masayang ang oras sa pakikipagtinginan sa taong nasa harapan. Kinabig ko pa ang upuan. Naglabas ang sahig ng isang iyak na para bang kinahig ng matalas na paa ng upuan ang tiyan nito. Tumingin ako sa paligid. Walang tumingin maliban sa babaing nakaupo sa gitna na nangongolekta ng ID para sa mga taong nananabik na pumapasok sa espesyal na seksyon ng silid-aklatan. Baka ilusyon lang ang mga ibang tao at sa totoo’y kami lamang dalawa ang tao sa layb. “Kalokohan.” Umupo na ako. Nilapag ko ang dalang libro at bag, pati na rin ang pabigat sa aking dibdib, bumuntong-hinga...mabigat pa rin. Binuksan ko ang papel na nakabalunbon sa isang matigas papel na may plastic na ‘di hamak na mas malaki sa isang normal na ...