Makikita mo sa lisik ng mga mata ng tao
Ang bahid ng kahayupan ng kanyang kamao
Kung saan gumagapang ang modernong demonyo

Bagsik ng liyab ng impyerno ay nasa mundo
Ganid ang dugong dumadaloy sa ugat ng tao
Tao’y hindi isla ngunit hanggang lalamunan lang ito
Isusubo na lang ng langgam, hahablutin pa ito
Taong nakapuwesto, hindi ka ba ganito?
Simula pa nung tayo’y magkaulo
Kung umasta parang bulate sa katawan ng tao
Tama, ang tao’y bulate sa sarili niyang pagkatao
Bulateng nagtatau-tauhan sa madla ng mundo
Dapat bulate, karumaldumal kang tinatae
Idiretso sa banyo ilugmok sa inidoro
Kasama lahat ng buhay na marumi
Kaya ngayon ang tawag ko sa iyo ngayon ay taong tae
Taong tae taong tae na galing sa bulate
Ginawa mong lungga ng lagaw ang mga lalaki’t babae
Wala kang patawad pati sa batang inosente
Dapat sa ‘yo tae ay ginagarote
Kaya huwag magmalaki sa kapangyarihan mong angkin
O sa mga armas at puso mong itim
Balang araw ‘pag sumakit ang tiyan, itatae lang kita sa inidoro
At iuumpog ko ang bulate mong ulo sa apat na sulok ng mundo

Comments