Skip to main content

Posts

Showing posts from September, 2014

Pasensyoso

Isang kuwarto, dalawang pintuan Modernong musika at kompyuter Nasa kabila ka, ako andito Di tayo magkakilala, naaantok ako. Isang laban para kung kanino man ang mag-antay ng ilang oras sa kawalan Parang may lilitaw na bulalakaw Unti-unting hihigupin ang ngiti, nakapasak sa mukha Parang may alien na lilitaw sa kisame at hihigupin pataas O ang kamang katabi ko may hihigang hubad na babae O biglang may taong kakausap sa akin, Di ko siya kilala.