Saturday, September 6, 2014

Pasensyoso




Isang kuwarto, dalawang pintuan
Modernong musika at kompyuter
Nasa kabila ka, ako andito
Di tayo magkakilala, naaantok ako.

Isang laban para kung kanino man
ang mag-antay ng ilang oras sa kawalan
Parang may lilitaw na bulalakaw
Unti-unting hihigupin ang ngiti, nakapasak sa mukha

Parang may alien na lilitaw sa kisame
at hihigupin pataas
O ang kamang katabi ko may hihigang hubad na babae
O biglang may taong kakausap sa akin,

Di ko siya kilala.

No comments: