Fraternity. Frat. Brotherhood. Sa mga news program, hindi na bago sa atin na may ibabalita na lang na may namatay dahil sa initiation o may bagong labas spy video ng mga nag-iinitiate. Ipapakita roon ang mga kulay talong na binti at braso, ang paddle na humahagupit sa puwet. Sumisigaw na mga blind-folded na neops. Pagkatapos ay iika-ika maglakad ang mga bagong salbang neophytes o fratmen. Iyong iba naman, hindi na nasilayan ang araw bilang miyembro ng frat na sinasalihan. Pero linawin natin ang sinasabing mga fraternity sa balita. Marami kasing uri ng fraternity. Mayroong tinatawag na community-based fraternities. Mayroong college fraternities. May university-based frats. Panghuli ay frat ng mga mason o ang freemasonry. Yung mga community-based frats, usually (hindi ko nilalahat) pang masa ang dating ng mga frat na ito. Yung college fraternities, dapat ay nakaenrol ka sa isang kurso, kung baga prerequisite iyon para makasali, tulad na lang nga mga law fraternities, medical fraternities...
Mga madidilim at bargas na tula, mga lomograpik na larawan at kung anu-anong sanaysay tungkol sa pagkatao at mirakulo na tinatawag nating buhay (Dark and blaspheme poems, lomography and other essays with a tinge of humanity grasping the essence of life)