Skip to main content

Ang mga Uri ng Fraternity


Fraternity. Frat. Brotherhood. Sa mga news program, hindi na bago sa atin na may ibabalita na lang na may namatay dahil sa initiation o may bagong labas spy video ng mga nag-iinitiate. Ipapakita roon ang mga kulay talong na binti at braso, ang paddle na humahagupit sa puwet. Sumisigaw na mga blind-folded na neops. Pagkatapos ay iika-ika maglakad ang mga bagong salbang neophytes o fratmen. Iyong iba naman, hindi na nasilayan ang araw bilang miyembro ng frat na sinasalihan. Pero linawin natin ang sinasabing mga fraternity sa balita. Marami kasing uri ng fraternity. Mayroong tinatawag na community-based fraternities. Mayroong college fraternities. May university-based frats. Panghuli ay frat ng mga mason o ang freemasonry.


Yung mga community-based frats, usually (hindi ko nilalahat) pang masa ang dating ng mga frat na ito. Yung college fraternities, dapat ay nakaenrol ka sa isang kurso, kung baga prerequisite iyon para makasali, tulad na lang nga mga law fraternities, medical fraternities, engineering fraternities atbp. University frat naman, kahit anong kurso pwedeng sumali basta ikaw ay estudyante sa unibersidad na kinabibilangan ng frat na iyon.



Ano bang advantage ng may frat? Kung ilelevel mo sa college at university frats, ang pinaka-adbantahe ng isang fratman ay networking. Sa ganung level pa lang, marami ka ng makilala, iba't- ibang batches na pwede mong tungtungan paglabas mo ng kolehiyo. Lalo na yung mga frats na isang damukal na ang alumni at matatag ang asosasyon, maraming pwede maidulot sa iyo na mabuti ang pagsali sa ganun. Kung malasindikato ang frat mo, eh di tiba tiba ka. Isang training ground ang fraternity. Kung ang frat na sinalihan mo ay maraming activities tulad ng socio-civic events, medical missions, concerts at parties, mahahasa ka sa pag-oorganize at mas magiging masaya ang college life mo. Mayroong din naman academic advantage yan, tulad ng mga sample exams o reviewers na napag pasapasahan ng mga miyembro. Ang iba naka-catalog pa para naman maayos at lahat ng brods ay makagamit. May pagkakataon na mas maaga mong maiintindihan o mas maaga mong malalaman ang mga bagay-bagay sa acads, lalo na kung sasabihin o tuturuan ka ng brod mo, hindi ba? Hindi tulad ng mga walang frat, mas maraming interactions ang fratman sa mga upperclass or upper batches niya. Pwedeng magpaturo. Pwedeng magtanong. Pwedeng humingi ng tips. At hindi kumpleto ang pagiging fratboy mo kung walang frathouse, chicks at gimik, in the bag na rin yun pagsali mo.



Ang disadvantage, yung oras, kailangan marunong kang magbalanse dahil dagdag responsibilidad ang frat. Siyempre dahil na rin sa machismo attitude ng mga lalaki, laging me kaaway ang frat na sinalihan mo, kung baga rival frat niyo. Pero depende na rin yan kung anong frat ang sinalihan mo, kung anong unibersidad, at kurso. Kung medical frat ang sinalihan mo, madalang lang ang rumble doon. Lahat naman may risk di ba? Pero gumagawa ng paraan ang mga student body at ang unibersidad na rin mismo para tigilan ang mga walang kakwenta-kwentang ramble na yan na minsan nagsisimula dahil sa tinginan at babae. Halimbawa niyan ay ang Unibersidad ng Pilipinas.



Kung community-based frat ang sasalihan mo, wala akong masyadong alam sa sistema nila, pero bilang isang fratman ng isang college-based frat, nakikita ko na medyo magulo at primitibo ang frats na iyon pero hindi ko ito nilalahat. Dahil may mga community based frat na may maganda rin namang mga activities at may sense of responsibility. Ang problema dito, walang exclusiveness ang community based frats. Hindi tulad ng mga university at college frats na kinakailangan estudyante ka, pasado ang mga grades, at may ispesipikong kurso, basta malapit ka sa chapter ng community frat na ito, at pasok ang edad mo, ay pwede ka ng sumali. Ang silbi ng initiation ay para ipakita na hindi lahat ay pwedeng maging miyembro. Maaari na dapat ikaw ay isang law student, college student, medical student at mayroon pang screening process bago ang initiation. Hindi rin tulad ng community-based frats, ang mga frat ng kolehiyo at unibersidad ay may alumni association (na maaaring ang mga miyembro ay kilala sa kani-kanilang mga napiling careers), may source ng financial aid, at networking sa paglabas ng kolehiyo. Maaaring kailangan itayo ng community based frat na ito ang sarili para hindi magmukang "gang" at walang karangalan o kagalingan ang pagiging miyembro, at maaaring ang pribiliheyo lang ng pagsali sa community frat na ito ay ang machismo effect o pagsisiga sa kanto.



Ang mga mason o freemasonry ay isang samahan ng mga lalaki na professionals. Medyo malihim ang mga ito ngunit pinagmamayabang din nila ang kanilang mga socio-civic activities at ang mga sikat nilang miyembro. Balot ng lihim ang kanilang organisasyon at sinasabing ang kanilang tradisyon ay nagmula pa raw sa templars. Para sumali dito, ikaw mismo ang lalapit sa kanila, dapat rin ay nasusuportahan mo rin ang sarili mo sa pinansyal na aspeto at kailangan din na naniniwala ka sa Diyos. Kailangan aralin ang kanilang "craft" at magbigay ng oras sa pag-aaral nito. Para sa karagdagang impormasyon, i-research nio na lang sa net ang tungkol sa malihim at misteryosong frat na ito.



Sa huli, kailangan mo muna mag-isip at siguraduhin na ang sasalihan mo ay makakatulong sa iyo at hindi mo ikalulubog. Pagkakatiwala mo sa kanila ang buhay mo, dapat lang na tingnan mabuti at kilitasin ang frat na gusto mong salihan. Kailangan mo rin itanong sa sarili mo kung ano ang mabibigay mo sa frat na ito. Kung wala, huwag ka na sumali. Kung angas lang, huwag ka ng sumali. Sa bawat sandali, na ikaw ay magbalak sumali o kasali na, kailangang pahalagahan ang buhay, at ang brad mo ay brad mo pang habang buhay. Maaaring ngayon mo lang siya makikita ngunit taon at parehong tradisyon ang pinagdaanan ninyong dalawa, at dahil doon ay ibibigay mo ang kamay mo at gagawin ninyo ang handshake ng frat niyo.

Comments

Popular posts from this blog

Ako ay para sa Pilipinas, hindi sa Con-Ass

di ako papayag sa pambabastos sa ating konstitusyon ng mga naghahari-hariang sawa sa pulitika di ako papayag sa pagdumi sa ating bastiyon ng kalayaan, karapatan at simbolo ng ating kultura huwag tratuhin ang masa bilang indiyo ng mga kastila huwag asamin ang kapangyarihan na ibinigay ng bayan huwag gawing bulag ang mga matang tuon sa bandila huwag maging balakid sa pagsulong ng kapayapaan bakit kayo gahaman sa pusisyon, korupsyon at pera hindi niyo ba nakikita ang kalagayan ng Pilipinas at kanyang masa hindi niyo ba nasisilayan ang bagsak nating statura bakit hindi na lang ilagak ang oras sa kabutihan ng bansa hindi ngayon ang panahon para sa con-ass ngayon ang panahon para sa pag-aaklas ng malayang pagsusulat sa mga hinaras mahalin ang kulay ng bandila ng Pilipinas

Huling Sandali

Mabigat ang ulo. Pinilit buksan ang mga puyat na mata. Tumingin sa may pintuan ng malamig na kwarto, at may nakadungaw na isang babaing nakaputi. Ang sabi niya'y "Doc, may referral kayo sa ER". Tiningnan niya ang kanyang orasan, 3:15 am. "Aah, halos isang oras pa lang.." Ito na ang pangdalawampung oras niya sa kanyang duty bilang isang ENT intern nung araw na iyon at ito na rin ang pinakahuling duty niya bilang isang medical intern. Isang oras pa lang siya nakaidlip, may tawag na naman. Tumayo siya at medyo hilo. Humawak sa upuan at pader, at tumigil ng sandali. Binuksan ang pintuan at pumunta sa nurse station upang abutin ang telepono. Medyo malabo pa ang kanyang paningin dahil sa liwanag. Tinahak niya ang hallway na parang umiikot. Kinuha ang telepono. Nakinig. Kinusot niya ang kanyang mga mata at binaba ang telepono. Inulit niya uli sa kanyang isipan ang sinabi ng ER nurse na kanyang nakausap. "Doc, may referral po kayo from IM, ...

A Lifetime's Worth of Education (from a Filipino Thomasian Medical Student)

...because even if you have attained the highest level or position in the medical field, you are always a student of medicine. I wrote this blog on March 10, 2006 in my yahoo 360 account as an attempt to blog about my medical life (which I failed to do). This was written days before I became a 4th year student, a medical clerk, or in the medical lingo, "the lowest life form in the hospital"... Ever since I entered medical school, my whole life turned up side down. It was like I’m adrift into the whirling pool of uncertainties. I counted every moment, every second, living it day by day. They said it would only take a short time to finish medicine, the hell with it (4 years of pre-med, 4 years of med proper, 1 year of internship, 3-5 years of residency and 1-2 years of fellowship). Partially it was true, toxicities make time fly in lightspeed. I am a 3rd year medical student at UST Faculty of Medicine and Surgery and an incoming clerk (duty starts at april 15). Whenever I remin...