Tuesday, June 9, 2009

Ako ay para sa Pilipinas, hindi sa Con-Ass




di ako papayag sa pambabastos sa ating konstitusyon

ng mga naghahari-hariang sawa sa pulitika

di ako papayag sa pagdumi sa ating bastiyon

ng kalayaan, karapatan at simbolo ng ating kultura


huwag tratuhin ang masa bilang indiyo ng mga kastila

huwag asamin ang kapangyarihan na ibinigay ng bayan

huwag gawing bulag ang mga matang tuon sa bandila

huwag maging balakid sa pagsulong ng kapayapaan


bakit kayo gahaman sa pusisyon, korupsyon at pera

hindi niyo ba nakikita ang kalagayan ng Pilipinas at kanyang masa

hindi niyo ba nasisilayan ang bagsak nating statura

bakit hindi na lang ilagak ang oras sa kabutihan ng bansa


hindi ngayon ang panahon para sa con-ass

ngayon ang panahon para sa pag-aaklas

ng malayang pagsusulat sa mga hinaras

mahalin ang kulay ng bandila ng Pilipinas