Wednesday, May 20, 2009

Ang Daigdig



Ipinanganak ka sa dilim
Sa magubat at basang lugar
Ilang ulit lumabas at pumasok
Ang mga adik na nangarap


Biglaang sumasangsang
Tumagal ay hanging banal
Sangkot sa pagkalumo
At ng isang libong ngiti


May pumapatay
Sumasanib ang haring demonyo
Alsa balutan ang mga anghel
Wala na sa ulirat ng oras at panaginip


Nagbibigay buhay
Liwanag sa sanlibutan
Kahabaan at karamihan
Pasahan ng walang hanggan



Silip.
Tikim.
Turo.
Pagsabog.

No comments: