Tingnan niyo ang angking kagandahan
Na patunay na hindi pagkatalo ang pagsama sa iyo
Sa ilalim ng ulan at ulap
Habang kumakalampag sa sinag ng araw
Habang tinatahi ang tadhana
Habang nakikinig sa mga huni ng kalapati
At tibok ng katauhan
Na patunay na hindi pagkatalo ang pagsama sa iyo
Sa ilalim ng ulan at ulap
Habang kumakalampag sa sinag ng araw
Habang tinatahi ang tadhana
Habang nakikinig sa mga huni ng kalapati
At tibok ng katauhan
Iniisip ang katawan sa gitna ng palayan
Iniisip ang buwan sa kabilang mundo
Iniisip ang buhay kung magkatabi tayo
Iniisip ang bawat sandali na magkadaloy ang kalupitan
Ng isang araw na hindi mapapawi ang bugso ng buhawi
At magpakailan man nakalutang sa panaginip
Ng walang oras at labas sa panahon

Mga bathala hindi makababa
Mga bathala hindi na maalintana
Mga bathala kung saan man
Ako ay nasa lupa lang
At sa dulo ng hibla ng buhay
Ikaw ay lumilipad
Hanggang sa mapawi ng karanasan
Comments