Wednesday, May 20, 2009

Espanya, sa Likod ng Katawang Pangkalawakan


Kay sarap kahit panandali ang mapaso sa init ng damdaming kakaiba sa kulo ng langit
Ang singaw ay malaimpyernong tunay sa ibabaw ng dibdib
Ang walang humpay na daloy ng dugo sa bawat ugat ng kaisipan
Mas higit pa sa lamig ng ng dulas ng yelo sa taglamig

Bawat hinga sa aking ilong at mga mata
Ibinabalik ay daigdig ng kapayapaan at saya
Ang pagsakop ng mga maninirang dalubyo sa sariling sanlibutan
Matatakasan at madudulasan ang mga masasamang nilalang

Dahil sa bawat paghawak ng aking mga kamay sa iyong magarang damit
Lambing at kalayaan lamang ang iyong mga sinasambit
Sa pagkuha nating ng kanya-kanyang apoy
Isipin natin na patuloy ang liwanag sa kahirapan

Kahit madalas mamalik mata sa putukan
Habang tinatahak ang lugar ni senador
Nalayang ang katangi-katanging halina ng isang multo
Nakikipag-unahan para mapansin

At makita ang malaking lobong puti
Sa mga buhay na yelong naglalakad
Tumatalbog sumisipol ang mga singkit na kalawit
Sa harapan ng pintuan sa katawang pangkalawakan

Talagang walang tigil ang mga pagtitig
Para bumalik ang ninanais
Ang halindog ng multong pag-ibig
Mapuputol at maglalaho sa titig

Kaya habang bumabalik sa patayan
O umeeskapo sa daloy ng buhay
Ako ay titingin sa harap ng kometa
Baka sakaling ikaw ay makita

No comments: