Tadhana o pagkakataon na ika’y makasabay sa paglipad sa mahabang daan.
Patungong sa isang malaking simbahan. Di ko mapigilan na malaman ang iyong pangalan.
Pagkat kakaiba ang iyong mga mata parang butil ng mga bituin na isinabog sa kalawakan
na dinaluyan ng tubig galing sa Euphrates
Sa lupang ito ikaw ang tunay ng goddess. Nakakaaliw, nangungusap sa lahat ng paraan
Sumapi ka sa aking kaisipan. Dala ang isang tonelada na mga libro. Ikaw at ako. Sana’y tayo.
Ang alindog ng hangin ay sumasabay lamang sa nakakasinag na liwanag ng iyong maamong mukha.
Sulit na ngiti. Nakakaantok na titig. Malamyos na mga galaw. Ngunit sinagot na rin ako ng tadhana na hanggang tula lang ang pag-ibig ko. Isang pag-ibig sa titig.
Sa tinik na nasa tabi ng daan at bubog ang tatapakan upang makita ka lamang.
Masilayan at maging dahilan ng kasiyahan.Kani-kanina lang nakuha ko ang iyong mga ngiti.
Tumigil ang oras habang minamasdan ang lumipas na saglit. Ito'y dumadaloy.
Habang buhay ay hindi ko pakakawalan. Sige, pahuli ka ng tingin at sa bawat oras ng ika’y masulyapan ibinabalik ng tadhana ang kagandahan ng bawat oras
sa pamamagitan ng iyong tingin sa akin
Hindi, wag kang tumigil sapagkat nagsabwatan ang ating mga mata. Lingid sa tunay na nararamdaman, ito’y ramdam mo rin.
Sa pamamagitan ng iyong tingin ang mga ito na gamay ko aking ikakamatay upang ikaw lamang ang magbigay ng kasiyahan sa mapagkunwaring buhay ng buhay sa aking buhay.
Isang sulyap lamang at nilatag ng buong sangkatauhan ang pinakamagandang bagay at pinakamagaling na nilikha ng diyos. Ikaw, ang nag-iisang ikaw.
Umayon kaya ang mapaglarong tadhana? Pakikipagsabwatan sa mga matataimtim na bituin.
Tumingala at hindi namansin. Akin na lamang pababayaan
Ang buhay kong puro pangarap at umayon sa bugso ng hangin na ikaw lamang ay isang maikling hangarin, sapagkat tayo ay napapagitnaan ng malalawak na karagatan
At sa aking pagtulog, pagyakap sa aking unan, ikaw ay mananatili na lamang na isang makislap na anime
Comments