Thursday, May 21, 2009

Mula sa Kahapon



Hindi kilala ng ilan
Isang adhikain ng wala
Hindi makuha ng sapat
Sapat na bukod tangi


Sa yaman siya’y pipiglas
Ngunit mahirap alamin
Ang simula at wakas
Sa kanyang muka
ay mapa ng mundo


Mula sa kahapo’y dumarating
Mula sa kahapo’y nanginginig
Mula sa kahapo’y tinatawag
Ngunit ayaw basahin ang mensahe rito


Sa isang bundok siya’y nakaupo, ng tae, hindi ginto
Nakasalamin sa dugo, nasilip ang buhay na binulok
Sa demokrasya ng diktadurya
Tapos na ang paglustay sa mga inosente


Sa kanyang muka ay mapa ng mundo
Sa kanyang muka ay mapa ng mundo

Mula sa kahapo’y dumarating
Mula sa kahapo’y nanginginig
Mula sa kahapo’y tinatawag
Ngunit ayaw basahin ang ...

No comments: