Sumakop uli ang ulirang hangin
Kasabay ang araw ng mga hangal
Umiikot ang panalangin
Kasabay ang araw ng mga hangal
Umiikot ang panalangin
Kasama ang mga taong pantal
Ang tugatog ng panahon ko
Inalipusta at winasiwas ng dila mo
Nagbulag-bulagan at tumanga ako
Iniluwa ang kagandahan ng ina mo
Inalipusta at winasiwas ng dila mo
Nagbulag-bulagan at tumanga ako
Iniluwa ang kagandahan ng ina mo
Pag ako ang nasa mata mo
Nasasaniban kang parang gago
Ang mga walang hiya sa buhay mo
Ang binabalikbalikan mong bago
Nasasaniban kang parang gago
Ang mga walang hiya sa buhay mo
Ang binabalikbalikan mong bago
Kaya tinapon ko ang isang tanong na magalang
Sunog na ang balat sa baluktot ng dilang banal
Bakit mo nilugmok ang gagong tikbalang
At sabay angal sa kumakabit na kupal
Sunog na ang balat sa baluktot ng dilang banal
Bakit mo nilugmok ang gagong tikbalang
At sabay angal sa kumakabit na kupal
Anya niya, matador ang traydor na ungas
Sino ba ang anak ng himagsikang butete
Kung saan ang puno at bunga na patas
Doon kukubli ang natuturete
Sino ba ang anak ng himagsikang butete
Kung saan ang puno at bunga na patas
Doon kukubli ang natuturete
Hanggang hari ang ulupong
Lalamunin ang masirkong estupidong tunog
Mabagal ang mundo, usad-pagong
Ikaw ang anghel sa mundong sabog
Lalamunin ang masirkong estupidong tunog
Mabagal ang mundo, usad-pagong
Ikaw ang anghel sa mundong sabog
Lahat ng muta ginamit na sangga
Natagpuan at inipon ng baboy ramo
Hinasa at tumulis, pinangsaksak sa panga
Ikakamatay ng sino mang tao sa labas
Natagpuan at inipon ng baboy ramo
Hinasa at tumulis, pinangsaksak sa panga
Ikakamatay ng sino mang tao sa labas
Ang sumasaksak may alipunga sa utak
Malawak ito, ngunit lublob sa tostadong baho
Ang tunay na siraulo bawat mali pumapatak
At ang katotohanan ang lulunod at maglalaho
Malawak ito, ngunit lublob sa tostadong baho
Ang tunay na siraulo bawat mali pumapatak
At ang katotohanan ang lulunod at maglalaho
Walang masambit dahil barado ang tubo
Kaya ang tubo hinampas sa alon
Nagwawalis at umiiwas sa bira ng bobo
At lumaya ako sa talampas na may talon
Kaya ang tubo hinampas sa alon
Nagwawalis at umiiwas sa bira ng bobo
At lumaya ako sa talampas na may talon
Lumikha ng linlang ay hindi magpapagago
Ang gago, lumilikha para makagago
Ang nagpapagago ay gago
At kung alam niyang siya ay ginagago
Ang gago, lumilikha para makagago
Ang nagpapagago ay gago
At kung alam niyang siya ay ginagago
Siya ay Barako na alam ang totoong ilaw
Tumatawa sa kahilawan ng kagurangan
Nasisinagan ng totoong araw hindi balahaw
Magpakasaya ka sa pekeng kulungan
Tumatawa sa kahilawan ng kagurangan
Nasisinagan ng totoong araw hindi balahaw
Magpakasaya ka sa pekeng kulungan
Sasanib sa isang bulag na amuyong ni satanas
Gagamitin ang sumpang lulupig sa bungangang ahas
Papasabugin ang madayang bulateng utak, ako’y aalpas
Sa kasinungalingang hatid, balikan ang tamang landas
Gagamitin ang sumpang lulupig sa bungangang ahas
Papasabugin ang madayang bulateng utak, ako’y aalpas
Sa kasinungalingang hatid, balikan ang tamang landas
Comments