Monday, May 25, 2009

Utak ng Sumpak


Ubusin mo ang letra sa diksyunaryo

Sambutin mo na ang imahinasyon mo

Ipitin na ng trak ang isip mong bapor

Hindi magbabago ang ilog mong katol


Pagkat ang konsensya mo'y tado

Sa sariling mata, isa kang henyo

Isang mapagkunwaring mapagbigay

ang totoo, madamot at sablay


Ang isang bagay parang haring araw

Ang langgam, ga-elepante ang laki

Sa tikas mong astig at lumalaban

Inutil at walang muwang ang kampi


Ang korona nasa ulong ipit

Ang talak isang milyong sipit

Ang isipang diyos ang tindi

Lahat ng makikinig, bibigti

No comments: