Skip to main content

Posts

Showing posts from July, 2009

Bula

kusang mababalisa ang mga kalbong puro lisa taimtim na mata ng pusa bibigti ng kusa pilit na maiipit sampayan at sipit makukulit na pinipilit ang kandilang kapit yakap ang unan sakit ng kalamnan padyak ng sagwan putik ng sinapupunan andito't sumasanla tila pinupunla bayani ng madla nawala parang bula

Hayskul Crash circa 1997

Nakatingin sa blackboard pretending not to be bored. Nakikinig sa teacher, ayaw mabato ng eraser. Sa gilid ng mata maykung anong linta, una'y di inalintana. Ba't ko papansinin? Ba't ko aasamin? Ba't ko pag-aaksayahan ng panahon? This lecture is more important come on. Ngunit mapusok ang sinumang nasa sulok. Lintik kung makatitig, bagsik sa kilig. Gumawi sa may kaliwa, doon sa bintana Anak ng palaka, ang long time crush ko mukang may tama Sa akin Seryoso di ako mahangin Itapon mo man sa bangin. Nakatingin siya sa akin. Yes panahon ko na. Sa wakas ako'y napuna. Gagawa ako ng tula para sa kanya. Namalik-mata, parang may kaba. Baka di ako ang asinta. Tumingin sa kanan at sa kaliwa. Baka sa labas, wala namang ibang bakas ng kalalakihan o ng ibang kausap, tumingin ng pabalik like "what's up?" Nagtitigan kami ng walang imi, parang tinginang romeo and juliet ang sumasapi Ilang segundo rin tumigil ang oras. Ang paligid animo'y nanigas Titig niya kanyang ina...