Tuesday, July 7, 2009

Hayskul Crash circa 1997
























Nakatingin sa blackboard pretending not to be bored.
Nakikinig sa teacher, ayaw mabato ng eraser.
Sa gilid ng mata maykung anong linta, una'y di inalintana.
Ba't ko papansinin?
Ba't ko aasamin?
Ba't ko pag-aaksayahan ng panahon?
This lecture is more important come on.
Ngunit mapusok ang sinumang nasa sulok.
Lintik kung makatitig, bagsik sa kilig.
Gumawi sa may kaliwa, doon sa bintana
Anak ng palaka, ang long time crush ko mukang may tama

Sa akin
Seryoso di ako mahangin
Itapon mo man sa bangin.
Nakatingin siya sa akin.
Yes panahon ko na.
Sa wakas ako'y napuna.
Gagawa ako ng tula
para sa kanya.

Namalik-mata, parang may kaba.
Baka di ako ang asinta.
Tumingin sa kanan at sa kaliwa.
Baka sa labas,
wala namang ibang bakas
ng kalalakihan o ng ibang kausap,
tumingin ng pabalik like "what's up?"
Nagtitigan kami ng walang imi, parang tinginang romeo and juliet ang sumasapi
Ilang segundo rin tumigil ang oras.
Ang paligid animo'y nanigas
Titig niya kanyang inalis, laway napanis.
Ang long time crush ko mukang may tama

Sa akin
Seryoso di ako mahangin.
Itapon mo man sa bangin.
Nainlab siya sa akin.
Yes panahon ko na.
Sa wakas ako'y napuna.
Gagawa ako ng tula
para sa kanya.

Next quarter kami'y magkatabi. ang ganda at pula ng kanyang labi.
Ang sarap kasama parang panaginip.
'Pag kami'y magkasama wala sa vocabulary ang inip.
Ang hindi ko alam at 'di ko inaasam,
may bf na siya sa ibang section, bakit 'di niya minention?
pero ok lang basta katitigan ko siya at alam kong may pagtingin siya.
Hanggang isang araw may phone-in question siya.
Ano raw ba kami talaga. di ako makasagot sa kaba.
Di niya alam, nakadukdok nanay ko,
di ako makaimi lintik na bahay 'to.
Sayang pinalagpas ko ang kamay niya

sa akin
Hindi pa uso cordless sa amin.
Tinapon ko lang sa hangin.
Nagalit siya sa akin.
Friends na lamang na-
punta ang crush kong si _____
Gumawa ako ng tula
para sa kanya.

1 comment:

Arvin U. de la Peña said...

ang galing ng class 97..

Ako ay isa ng muslim dahil sa kagustuhan kong maging asawa ang dalawang blogger na kilala mo. Nakapagsulat pa ako ng tula para sa kanilang dalawa at iyon ang new post ko..hope u read it..