Sunday, September 20, 2009

Kaguluhan

Sumuka sa huni ng binibini
Pasirkong lagpak sa palapag
Sumambulat ang kahibangan
Panahon na di mababalikan

Tumimpla sa daloy ng balon
Panibugho ni Adan sa Diyos
Pisil ng hayop sa kalamnan
Ang sugat na kinamuhian

Patago sa init ng araw
Umaalpas sa lamig ng bituin
Idlip na animo'y bangungot
Sumisilip ng walang lintik

Ang talbog ng dibdib
nananaginip at nagmimithi
Ang mga sinaunang sarap
Makamtan muli

Lumabas sa unos
Sa kaulapang maliwanag
Pagpigil ng ngiti
Lumipad ng tuluyan

Umaagos ang ginto
Humihiyaw ang sirena
Tingin sa mga nakausad
Matatahimik na

5 comments:

Harvey D. said...

nice enjoy ako basa ng blog mo. my site Bugtong na may sagot and

el nido palawan

John Marvin Tan said...

wow, you are a great writer, binasa ko xa ang ganda nung iba, pwedeng pampublish, BTW, i already followed you d2 sa blog mo, would you mind if you follow me back ? salamat sobra... thenewworld31.blogspot.com

uberjessicalopez said...

galing naman ^^,

uberjessicalopez said...

galing naman