Monday, August 24, 2009

Wala ng mas gaganda rito



Sa piling mo ako ay lumigaya
Isang damdaming hindi makuha kung wala ka

Sa yakap mo
Dama ko ang init
Ang sabik ng pag-ibig nating pilit
Pinagkakasya kahit nakapiit

Ikaw ang dahilan kung bakit ako narito
Ikaw ang rason ng pag-ikot ng aking mundo

Tinititigan ka habang nanaginip
Magkaisa ang mundo at langit

Sa patak ng ulan ikaw ang nag-iisang ilaw
Sa dausdos ng tubig hindi tayo bibitaw

Wala ng sasarap dito

Ikaw ang gusto ko
Ikaw ang pangarap ko
Ikaw ang nasa puso ko

Humihinga dahil sa iyo
Umiiyak para sa iyo

Nabubuhay para ibigin mo

Wala ng mas gaganda rito

No comments: