Saturday, February 20, 2010

GS 415




lumalakad na parang prinsesa
suot ang puting uniform na bagong plantsa
puting laso sa buhok mong makintab
mata at puso umaalab

pahawak-hawak
pangiti-ngiti
patingin-tingin

sisilip na lang mukhang libro
para masilayan ang mga matang kumikinang
pipikit na lamang ako
sapagkat ikaw ang pangarap ko

patext-text
pakain-kain
palakad-lakad

hihintayin na lang ang larawan sa mukhang libro
para masilip ang ngiting sumasamo
at matang parang sumasalok
ng ngiti at saya galing sa akin

No comments: