Nakakabingi... pagaspas ng mabibilis na pakpak ng mga bubuyog ang tusong sitsit ng ahas ang tagaktak ng ulan sa yerong nabubulok kasama na ang dagundong ng kulog paghampas ng matatangal na yero sa kahoy ang unti-unting pagluwag ng pako sa alulod Napakaingay... huni ng gamit na bentilador ang paglusot ng hangin sa mga bakal nitong takip takip na tadtad ng malagubat na alikabok ang papalit-palit na tampisaw ng telebisyon at ang pagod na pitik kaway ng mga dahon na sumasabay sa hatak ng hangin ang garalgal ng jeepney at tricycle sa malutong na lubak ng mga daan Ang ingay ng higanteng eroplano sa taas na panandaliang nagiging tunog ng blankong isip ng mga tupang nakamasid sa espasyo ng kamalayan Ang sigaw ng mga kababayang umaanod na lang sa hirap ng buhay Ang tibok ng mga puso na pilit na lumalaban sa hinagpis ng init ng dusa Maingay ang utak ko. sa gitna nito, ikaw ang balanse sa ingay ng mundo ikaw ang boses ang aking pag-idlip ikaw ang kapayapaan na bumubulong ikaw na nawala na ngunit ...
Mga madidilim at bargas na tula, mga lomograpik na larawan at kung anu-anong sanaysay tungkol sa pagkatao at mirakulo na tinatawag nating buhay (Dark and blaspheme poems, lomography and other essays with a tinge of humanity grasping the essence of life)