Skip to main content

Puting Bulaklak



Pinipilit kong alisin ang mukha mo
sa bawat pagsilip ng araw
sa aking mga mata

Pinipilit kong hindi banggitin
ang pangalan mong humahalimuyak
sa aking pag-iisip

Pinipilit kong pumasok na hindi hinihintay
kung kailan magsasalubong
ang ating mga paningin.

Pinipilit kong hindi kita kausapin
mag-asal aso at bigyan ka
ng halaga.

Hindi ko kaya.

Kung sana'y nagkakilala tayo
sa ibang panahon, at mundo

Kung sana'y malaya tayo

Kung magkikita lamang tayo sa ating mga panaginip

Kung maririnig mo lang na lagi kitang iniisip

Kung malalaman mo lang na ikaw ay natatangi.

Para mailabas na ang sumpak sa dibdib...

Ikaw ang puting bulaklak na aking sasambahin.

Ang isinisigaw ng damdamin.


Paano mawawala ang baliw na paghanga ko sa iyo?
Kailangan kong lumayo sa iyo.

Comments

Popular posts from this blog

A Lifetime's Worth of Education (from a Filipino Thomasian Medical Student)

...because even if you have attained the highest level or position in the medical field, you are always a student of medicine. I wrote this blog on March 10, 2006 in my yahoo 360 account as an attempt to blog about my medical life (which I failed to do). This was written days before I became a 4th year student, a medical clerk, or in the medical lingo, "the lowest life form in the hospital"... Ever since I entered medical school, my whole life turned up side down. It was like I’m adrift into the whirling pool of uncertainties. I counted every moment, every second, living it day by day. They said it would only take a short time to finish medicine, the hell with it (4 years of pre-med, 4 years of med proper, 1 year of internship, 3-5 years of residency and 1-2 years of fellowship). Partially it was true, toxicities make time fly in lightspeed. I am a 3rd year medical student at UST Faculty of Medicine and Surgery and an incoming clerk (duty starts at april 15). Whenever I remin...

Ako ay para sa Pilipinas, hindi sa Con-Ass

di ako papayag sa pambabastos sa ating konstitusyon ng mga naghahari-hariang sawa sa pulitika di ako papayag sa pagdumi sa ating bastiyon ng kalayaan, karapatan at simbolo ng ating kultura huwag tratuhin ang masa bilang indiyo ng mga kastila huwag asamin ang kapangyarihan na ibinigay ng bayan huwag gawing bulag ang mga matang tuon sa bandila huwag maging balakid sa pagsulong ng kapayapaan bakit kayo gahaman sa pusisyon, korupsyon at pera hindi niyo ba nakikita ang kalagayan ng Pilipinas at kanyang masa hindi niyo ba nasisilayan ang bagsak nating statura bakit hindi na lang ilagak ang oras sa kabutihan ng bansa hindi ngayon ang panahon para sa con-ass ngayon ang panahon para sa pag-aaklas ng malayang pagsusulat sa mga hinaras mahalin ang kulay ng bandila ng Pilipinas

Room

When  we were surrounded by chairs and whiteboards Books afloat and skulls on the table Light escaping from the other room Sunrays piercing thru the blinds You were looking at me the way you are looking at him Right now.