parang huni ng ibon, paulit-ulit bawat minuto tumutunog o parang dalisdis ng pang basketbol na sapatos sa bawat hinto o yapak sa tabladong sahig hamburger na puti na may dalawang mata nagpapaugong sa kaliwang tenga sa kuwarto kung saan daan na babae ang bumukaka kung saan nakapatong ang pizza ko sa hinihigaan nila at balak kong ibigay ang pizza sa guwardiya mamaya o ibaon ko na lang. nilalamig na mga instrumento ko pati siguro yung mga babaeng bumukaka rito nanghuhuli ng mga kriminal papindot-pindot, o kaya sumasalakay ng bayan gamit yung mga maiitim na lobong may bomba isang oras pa, may pupunta pa kaya noong isang araw pila sila kinain ko na rin ung pizza tapos pinalipat ako ng kuwarto wala na yung tunog mayroon pa rin pala may dumating.
Mga madidilim at bargas na tula, mga lomograpik na larawan at kung anu-anong sanaysay tungkol sa pagkatao at mirakulo na tinatawag nating buhay (Dark and blaspheme poems, lomography and other essays with a tinge of humanity grasping the essence of life)