Skip to main content

sanay maghintay



parang huni ng ibon, paulit-ulit
bawat minuto tumutunog
o parang dalisdis ng pang basketbol na sapatos
sa bawat hinto o yapak sa tabladong sahig

hamburger na puti na may dalawang mata
nagpapaugong sa kaliwang tenga
sa kuwarto kung saan
daan na babae ang bumukaka

kung saan nakapatong ang pizza ko
sa hinihigaan nila
at balak kong ibigay ang pizza sa guwardiya mamaya
o ibaon ko na lang.

nilalamig na mga instrumento ko
pati siguro yung mga babaeng bumukaka rito
nanghuhuli ng mga kriminal
papindot-pindot,  o kaya sumasalakay ng bayan

gamit yung mga maiitim na lobong may bomba
isang oras pa, may pupunta pa kaya
noong isang araw pila sila
kinain ko na rin ung pizza

tapos pinalipat ako ng kuwarto
wala na yung tunog
mayroon pa rin pala
may dumating.

Comments

Popular posts from this blog

A Lifetime's Worth of Education (from a Filipino Thomasian Medical Student)

...because even if you have attained the highest level or position in the medical field, you are always a student of medicine. I wrote this blog on March 10, 2006 in my yahoo 360 account as an attempt to blog about my medical life (which I failed to do). This was written days before I became a 4th year student, a medical clerk, or in the medical lingo, "the lowest life form in the hospital"... Ever since I entered medical school, my whole life turned up side down. It was like I’m adrift into the whirling pool of uncertainties. I counted every moment, every second, living it day by day. They said it would only take a short time to finish medicine, the hell with it (4 years of pre-med, 4 years of med proper, 1 year of internship, 3-5 years of residency and 1-2 years of fellowship). Partially it was true, toxicities make time fly in lightspeed. I am a 3rd year medical student at UST Faculty of Medicine and Surgery and an incoming clerk (duty starts at april 15). Whenever I remin...

Ako ay para sa Pilipinas, hindi sa Con-Ass

di ako papayag sa pambabastos sa ating konstitusyon ng mga naghahari-hariang sawa sa pulitika di ako papayag sa pagdumi sa ating bastiyon ng kalayaan, karapatan at simbolo ng ating kultura huwag tratuhin ang masa bilang indiyo ng mga kastila huwag asamin ang kapangyarihan na ibinigay ng bayan huwag gawing bulag ang mga matang tuon sa bandila huwag maging balakid sa pagsulong ng kapayapaan bakit kayo gahaman sa pusisyon, korupsyon at pera hindi niyo ba nakikita ang kalagayan ng Pilipinas at kanyang masa hindi niyo ba nasisilayan ang bagsak nating statura bakit hindi na lang ilagak ang oras sa kabutihan ng bansa hindi ngayon ang panahon para sa con-ass ngayon ang panahon para sa pag-aaklas ng malayang pagsusulat sa mga hinaras mahalin ang kulay ng bandila ng Pilipinas

Room

When  we were surrounded by chairs and whiteboards Books afloat and skulls on the table Light escaping from the other room Sunrays piercing thru the blinds You were looking at me the way you are looking at him Right now.