Ang buhay ay walang katapusang paghangad sa mga bagay na di magapos ng palad.
Ang buhay ay isang salamin ng lahat ng pagkakamali.
Ang buhay ay isang salamin ng lahat ng pagkakamali.
Ang buhay ay walang hanggang pagbagsak sa kawalan ng kalawakan.
Hindi alam kung saan titigil.
Hindi alam kung saan titigil.
Hindi alam kung saan pupunta.
Pagbagsak na walang pagbabalik.
Ito ay pag-atim sa maling kamalayan.
Pagbagsak na walang pagbabalik.
Ito ay pag-atim sa maling kamalayan.
Pagkapit sa maling dulo ng punyal.
Pagkurap sa kadiliman.
Pagdilat sa harap ng haring araw.
Pagtatanong ng walang kasagutan.
Pagtanggap ng walang tanggihan.
Pagdilat sa harap ng haring araw.
Pagtatanong ng walang kasagutan.
Pagtanggap ng walang tanggihan.
Buhay ay buhay.
Buhay na hindi gamay ng palad.
Utang ang buhay o regalo? Karapatan?
Magdusa ng kaunti sabi ng hangin.
Buhay na hindi gamay ng palad.
Utang ang buhay o regalo? Karapatan?
Magdusa ng kaunti sabi ng hangin.
Ang liwanag ay darating kapag umiwas na ang itim na ulap sa labing duguan sa hirap
Sapat na sa iyo ang kasya sa mata ko.
Wag ka ng lumingon.
Buhay mo ay hawak mo.
Buhay nga ay ganito.
Sapat na sa iyo ang kasya sa mata ko.
Wag ka ng lumingon.
Buhay mo ay hawak mo.
Buhay nga ay ganito.
Isang kuwento ng trahedya na nakatago sa kailaliman ng dagat.
Tulad ng mga epikong sinungaling kailangan matutunan uli ang pagbabalik sa pagkabulag.
Tulad ng mga epikong sinungaling kailangan matutunan uli ang pagbabalik sa pagkabulag.
Kung maaari akong haplusin ng mga ulap.
Mahamugan ng tuluyan upang sumanib ang kawalan at makita ang kagandahan parang noong tayo’y musmos pa.
Mahamugan ng tuluyan upang sumanib ang kawalan at makita ang kagandahan parang noong tayo’y musmos pa.
Alayan ako ng dagat ng lupang makakapitan at isang salaming magbibigay ng larawan ng mundong aking kinamumuhian at masilaw sa liwanag.
Talikuran ang ningning ng sariling pag-iisip na ang buhay ay ganid.
Talikuran ang ningning ng sariling pag-iisip na ang buhay ay ganid.
Kung saan magtatagpo ang hangarin at imahinasyon, isisiwalat ko ang mga butil ng katotohanan.
...Sa likod ng mga pilit na salita at hangad na paglaya
Sa karupukan ng puso ng saging at tao
Yuyuko at aayon ang kampana
Mga bugso ng hangin na galing sa kawalan
Kawalan na inaakala ng mata
Matang ubod ng daya
Sa pagod at hirap na dumaluyong
Sigwa’t unos ay di umalpas
Bawat pangitain ay pagbalik sa kahapong nalagas
Ilang bahid ng tuwa’y sadyang madulas
Pilit mong kakaunin ngunit umaagos...

Dumadaplis ang mga pag-asang masulyapan ang mga malalalim na panaginip habang mulat ang mga mata.
Kaya ihulma ang kamay ng gaya sa akin
Magbigkis at iahon sa kinalulugmukang putik
Damhin ang mga mga butil ng ulan sa pisngi
Isiwalat ang liwanag sa mata
Magbigkis at iahon sa kinalulugmukang putik
Damhin ang mga mga butil ng ulan sa pisngi
Isiwalat ang liwanag sa mata
Hinihintay na sandali...
Ibalik sa dati .
Ibalik sa dati .
Imumulat ko na ang aking mata.
Nasaan na ang katotohanan?
Bakit sadyang binabalot mo ito ng pekeng misteryo?
Nasaan na ang katotohanan?
Bakit sadyang binabalot mo ito ng pekeng misteryo?
Kawalang katwiran.
Bakit hindi na lang mamutawi ang kulay…
Kulay na banayad sa paningin tulad ng isang mayuming dalaga.
Kulay na banayad sa paningin tulad ng isang mayuming dalaga.
O kung magkamali man ako... ang totoo’y marahas
Masasabi kong bawat tao’y nasa lugmok na kalagayan.
Masasabi kong bawat tao’y nasa lugmok na kalagayan.
Bawat hibla ay magkakaugnay...
Ng sigalot at pera
Ng pagmamalabis at kawalan-katwiran
Ang paghanap ng sagot liban sa langit
Kawalang tiwala sa lahat.
Ng sigalot at pera
Ng pagmamalabis at kawalan-katwiran
Ang paghanap ng sagot liban sa langit
Kawalang tiwala sa lahat.
Marahas…
Ganid ang Buhay.
Ganid ang Buhay.
Comments