Si Tonyo, nung isang buwan, galing ng pribado
ang mga anak, nag-usap, magpubliko
ako ang tumulak sa malubak na semento
sa MICU F, lalagak si Tonyo
ang mga anak, nag-usap, magpubliko
ako ang tumulak sa malubak na semento
sa MICU F, lalagak si Tonyo
Isang buwan bago ang revalida
huling rotation, sa ward ng medisina
araw-araw, oras-oras, Q1 kung pumunta
ABG sa edematous na braso, na master na
Pagpunta sa dialysis isang malaking problema
buong batalyon mababait na sumasama
mech vent, higanteng O2 tank at suction pa
ambubag, O2 carrier, hiram na stretcher, tulak na
Kumakaripas, kinakabahan, ako lang ang naiiwan
80/50, ihihinto, may reliever, patient care na naman
against all odds, refer to the world, its for service man
160,000 pesos a year, it's never been better, damn
3 days, pre-duty, duty, at from status
isang kandilang unti-unting nauubos
papasok, sasabak sa baha, lalabas sa clerk's room
BP, RR, temp, CVP, suction, at urine output
Ang CIC, sabi nila, kahawig ng pamangkin
si Tonyo, itinuring na kamag-anak na rin
si Tonyo at ang apo, buhay na sining
si Tonyo, sa MICU A, nabaling
3 days nag-absent, pumasa sa revalida
pagbalik si Tonyo na tracheostomy na
tumawag pa, bumati, graduation hangover pa
after 2 weeks, CIC dati ngayon intern-in-charge na
niya
Comments