Wednesday, May 27, 2009

Bibong Tsubibo


nag-iisip humakbang baka gumewang
ang kamay nasa haligi, araw ay sumiwang
naninikip ang langit, handa pa rin sumalang
lumalabas ang hangin, sa loob ko'y tikbalang

nag-iintay, paputol-putol, lumiliko, umiikot
nagsisigawan, pausod-usod, sumisirko, natatakot
naghihiyawan, papikit-pikit, sumasayaw, baluktot
nang umulan, tumaimtim, sumawsaw, bumalot

ang kasiyahan, sa kapalaran
kapangyarihan, at kapayapaan
walang balakid, walang pakialam
malaya sa kasalanan

nasa tuktok, maraming bundok
may ulap sa itass, mayroon din sa lupa
sabaw ng boses, naririnig, ayaw ng sumandok
bakal na ahas, paatras, dilim ay humupa

lumiwanag
ang bata'y sumambulat
kalabog nawala
isa pa nga

No comments: