Sunday, June 14, 2009

Adik




Hindi makaalpas sa sariling piitan
Animo’y isang sawa sa katawan
Ngunit kung lalapitan
Ay isang dagok sa kaibuturan

Hindi na lalaya sa mga pangarap
Nahulma sa gitna ng kabataan at katarantaduhan
Sumusuot sa bawat dilim ng pag aari
Ang sawang gahaman

Naghuhukay ng sariling lamay
Sa bagal ng galaw ng buhay
Masisira ang mga lahi
Titigil at ikakamuhi
Iniisip sa kawalan
Ang mga pantasyang lumulutang
Napapapikit sa saya
Pagkamulat ay masagwa

Kailan maaatim ang kaginhawaan
Alam ko rin ang sagot sa katanungan
Maaaring bukas masimulan
Ang pagtigil sa sariling kalamnan

4 comments:

Ching said...

nice poem... bihasa ka na sa tula hehehe...

bago mong taga sunod sa gitnang silangan.

ching

stupidient said...

bakit parang sexually charged ito, hehe. o ako lang yun?

galing nito!

screamkeeper said...

hehe. tungkol ito sa pagka-adik sa isang bagay na nakakabuti pero pag marami nakakasama, pero hindi sa sex :)

screamkeeper said...

yung stress buster yung sexually charged :) pero medyo corny.