Animo’y isang sawa sa katawan
Ngunit kung lalapitan
Ay isang dagok sa kaibuturan
Hindi na lalaya sa mga pangarap
Nahulma sa gitna ng kabataan at katarantaduhan
Sumusuot sa bawat dilim ng pag aari
Ang sawang gahaman
Naghuhukay ng sariling lamay
Sa bagal ng galaw ng buhay
Masisira ang mga lahi
Titigil at ikakamuhi
Iniisip sa kawalan
Ang mga pantasyang lumulutang
Napapapikit sa saya
Pagkamulat ay masagwa
Kailan maaatim ang kaginhawaan
Alam ko rin ang sagot sa katanungan
Maaaring bukas masimulan
Ang pagtigil sa sariling kalamnan
Comments
bago mong taga sunod sa gitnang silangan.
ching
galing nito!