Mabigat ang ulo. Pinilit buksan ang mga puyat na mata. Tumingin sa may pintuan ng malamig na kwarto, at may nakadungaw na isang babaing nakaputi.
Ang sabi niya'y "Doc, may referral kayo sa ER".
Tiningnan niya ang kanyang orasan, 3:15 am.
"Aah, halos isang oras pa lang.."
Ito na ang pangdalawampung oras niya sa kanyang duty bilang isang ENT intern nung araw na iyon at ito na rin ang pinakahuling duty niya bilang isang medical intern. Isang oras pa lang siya nakaidlip, may tawag na naman. Tumayo siya at medyo hilo. Humawak sa upuan at pader, at tumigil ng sandali. Binuksan ang pintuan at pumunta sa nurse station upang abutin ang telepono. Medyo malabo pa ang kanyang paningin dahil sa liwanag. Tinahak niya ang hallway na parang umiikot. Kinuha ang telepono. Nakinig. Kinusot niya ang kanyang mga mata at binaba ang telepono. Inulit niya uli sa kanyang isipan ang sinabi ng ER nurse na kanyang nakausap.
"Doc, may referral po kayo from IM, 43 year old female,may dyspnea, ni-rerefer sa inyo dahil sa neck mass."
Tinext niya ang kanyang senior, na isang first year resident. Kinuha niya ang isang instrument box at dali-daling pumunta ng elevetor. Inayos niya ang kanyang buhok, mukha, at medyo lukot na polo at coat. Sinalubong siya ni Sep at pinuntahan ang pasyente. Kinuha niya ang chart. Binati niya ang pasyente at nagpakilala. Tinanong kung ano ang dahilan kung bakit siya pumunta sa ER.
"Doc kasi may bukol ako sa ibaba ng magkabilang panga, lumalaki, saka medyo nahihirapan ako huminga", sabi ng pasyenteng may oxygen cannula sa ilong.
Kinapa ni Sep ang sinasabing bukol at ineksamin. Pinabukas niya ang bibig ng pasyente upang tingnan ang lalamunan. Gamit ang penlight, tinutok ni Sep sa nakabukas na bibig. Ang lalamunan , hindi na makita, ang ngalangala niya sa itaas na bahagi ng bibig ay namamaga, namumula, pulang-pula at halos mahalikan na ang dila.
Nahihirapan na rin lumunok ang pasyente na si Aling Ina. Habang nakahiga sa kama ng ER, nakaupo naman sa tabi nito ang kanyang dalawang anak. Parehong babae. Pinupunasan ng mga ito ang labi ng kanilang ina dahil tumutulo ang laway nito na para bang may nginunguya. Makikita mo sa kanilang mga mata ang alala para sa kanilang ina.
Tinawagan ni Sep ang kanyang 2nd year resident na si Albert na dali-dali naman pumunta. Sinabi nito na kuhanin ang flexible scope na instrumento. Nagmadaling kunin ni intern sa 4th floor ang nasabing instrument. Tinutulak niya ang isang kwadradong makina na de-gulong, at hawak naman sa isang kamay ang isang mahabang case na lalagyan ng scope habang tinatahak ang medyo madilim at tahimik na ika-apat na palapag.
"Buti na lang may elevator"
Inayos na ni Sep at Albert ang scope. Tiningnan mabuti ni Albert ang lalamunan ng pasyente. Ipinasok ang scope sa bibig. Medyo nasaktan si Aling Ina. Minamaneobra ni Mark ang scope. Sinipat ng mabuti. Tinanggal ang scope. Tinawagan sa telepono ang 3rd year na residente na si Mars. Dali-dali rin naman siyang pumunta ng ER. Ipinasak uli ang scope sa bibig ni Aling Ina. Sumisilip
Lumiliit na ang daanan ng hangin ni Aling Ina. Namamaga at namumula ang paligid ng bibig at lalamunan niya. Ilang minuto na lang at maaaring magsarado na ng todo. Kinausap ni Mars ang mga kamag-anak. Sinabi niya na kailangan lagyan ng tubo ang leeg nito para duon makahinga.
Nilapitan ako ni Sep, at sinabing gumawa na ng OR request. Binalikan ko ng tingin ang pasyente.
Pinapapunas na ni Aling Ina ang kanyang bibig. Medyo may bahid ng irita ang muka nito at kumukuha ng hinga na parang kulang pa ang hangin na binibigay ng nasal cannula.
Nang biglang mawalan ng malay si Aling Ina...
Nang biglang mawalan ng malay si Aling Ina...
Comments