Sunday, September 6, 2009

Sinagtala



Parang asong buwang na nakaalpas
Sa abusong bato na marahas
At ngayon patungo na sa kolehiyo
'Sang bultong bagahe ang hatak ko

Sa sinagtala ang aking dormitoryo
Sa bagong bintana ng mundo ko
Namasid kang naglalakad sa ulap
Sa ating mata tayo'y nag-usap

Pinakilala ka ng kasama ko
Gradweyting sa devcom na kurso
Ako freshman sa kursong bio
Hindi ba tila nagmamadali ako

Sa isang inuman tayo nagkasipatan
Ang lambanog na asul ay ubus-ubusan
Kuwentuhan sa dilim ng lalim ng gabi
Natapos ang drama sa simbang-gabi

Sa unang sulyap sa bandang kinagisnan
Sumingit sa pila ikaw ang pumaraan
Sa unang dinig ng ingay at himig
Langit ang tabi habang El Bimbo'y tuminig

Salamat sa alaala binibining maganda
Bagong sibol pa lang ako, ika'y paalis na
Maging mabait sana ang tadhana sa iyo
Ang unang lumagi sa aking dormitoryo

No comments: