Sumanib na naman ang kahibangan Kailangan tutulan ang katawan Parang kumunoy na nag-iintay Parang butiking biglang sisibat Linawan ang pagsusulat Kakabig ang bibig Mata'y iiwas sa silaw Hindi lalapit Hindi kakapit Malalanding singit Hindi magtatagpo sa pagsisilbi Ikaw ang iiwasang matindi O dadausdos paminsan minsan baka naman pagtakhan papagutom ngunit mayamaya kakalam ang tiyan para kong senglot mas gago pa sa engot bakit kasi ganun?
Mga madidilim at bargas na tula, mga lomograpik na larawan at kung anu-anong sanaysay tungkol sa pagkatao at mirakulo na tinatawag nating buhay (Dark and blaspheme poems, lomography and other essays with a tinge of humanity grasping the essence of life)