Monday, May 9, 2011

Hindi pwede.




Sumanib na naman ang kahibangan

Kailangan tutulan ang katawan

Parang kumunoy na nag-iintay

Parang butiking biglang sisibat

Linawan ang pagsusulat

Kakabig ang bibig

Mata'y iiwas sa silaw

Hindi lalapit

Hindi kakapit

Malalanding singit

Hindi magtatagpo sa pagsisilbi

Ikaw ang iiwasang matindi

O dadausdos paminsan minsan

baka naman pagtakhan

papagutom ngunit mayamaya

kakalam ang tiyan

para kong senglot

mas gago pa sa engot

bakit kasi ganun?



No comments: