Skip to main content

Posts

Showing posts from May, 2011

Hindi pwede.

Sumanib na naman ang kahibangan Kailangan tutulan ang katawan Parang kumunoy na nag-iintay Parang butiking biglang sisibat Linawan ang pagsusulat Kakabig ang bibig Mata'y iiwas sa silaw Hindi lalapit Hindi kakapit Malalanding singit Hindi magtatagpo sa pagsisilbi Ikaw ang iiwasang matindi O dadausdos paminsan minsan baka naman pagtakhan papagutom ngunit mayamaya kakalam ang tiyan para kong senglot mas gago pa sa engot bakit kasi ganun?

Puting Bulaklak

Pinipilit kong alisin ang mukha mo sa bawat pagsilip ng araw sa aking mga mata Pinipilit kong hindi banggitin ang pangalan mong humahalimuyak sa aking pag-iisip Pinipilit kong pumasok na hindi hinihintay kung kailan magsasalubong ang ating mga paningin. Pinipilit kong hindi kita kausapin mag-asal aso at bigyan ka ng halaga. Hindi ko kaya. Kung sana'y nagkakilala tayo sa ibang panahon, at mundo Kung sana'y malaya tayo Kung magkikita lamang tayo sa ating mga panaginip Kung maririnig mo lang na lagi kitang iniisip Kung malalaman mo lang na ikaw ay natatangi. Para mailabas na ang sumpak sa dibdib... Ikaw ang puting bulaklak na aking sasambahin. Ang isinisigaw ng damdamin. Paano mawawala ang baliw na paghanga ko sa iyo? Kailangan kong lumayo sa iyo.