paano ko sasabihin sa katabi
kung sing dilim ng gabi
paano ko sasabihin sa kaharap
di makitang hinaharap
paano mo ako makikita
kung sing lamig mo ang klima
paano mo malalaman
sinisigaw ng kalamnan
paano kita mamahalin
kung singsing mo'y di tatanggalin
paano mo ko mamahalin
kung ako ay may ibang kapiling
paano kung tayo talaga
sa ibang oras, mundo at umaga
paano kung magkadapuwang
ang mga kamay nating...
di magtatagpo ngayong umaga.
Comments