Naalala ko, hindi pala bilog ang mundo.
Sapagkat naumpog ako sa mga sulok nito
Ang ulo ko ngayo’y duguan
Umaagos ng mahinahon sa kasinungalingan
Kadiliman at kaulapan,dumadalaw sa bawat pagpikit
Tubig na toro, nakita ang kapang nakapatong sa aking muka
Lalamunin ng buhay at walang pakundangan.
Lalagutan ako ng hininga ni Haring kasinungalingan
Nilunod mo ako sa kasinungalingang iyong hinango sa totoo mong angkan
Kinuha mo ito sa sapang mababaw at isinulpak sa aking mata
Binulag mo ako o kay hapdi ng pakiramdam
Hindi ako makakita at makaaninag man lang
Dinadala mo ako sa yantok na may ahas
Ngunit kinakaladkad mo ako sa putik ng kamuhian
At ang bulkan sa aking dibdib
Ay umaapaw sa kasinungalingan ng mundo
Hindi ko maintindahan kung paano mo naaatim
Ang isang madayang pagpapahiwatig
Ng iyong mga saloobin
Ikaw hari ng kasinungalingan
Ang trono mo’y hindi mahagilap
At kung saan man ang lakbay
Patungo ka sa daan ng iyong kaharian
Hindi ko mahagilap sa baol ng iyong kaisipan
Ang sinasabi mong moral ng isang emperor na maluwalhati
Pagkat ika’y isang huwad na hari na maraming tinatago
At panlabas na anyo ang iyong laging hinihirang
Sa bawat pagharap sa iyong sinasakupan
Isang madayang magnanakaw ay di alinlangan
lumilipad ang kamalayan
puro bahid ng kagalakan
Haring araw ay nilingap
Paniniwala sa koda ng karma
Iyong sinasambit, hindi ko alam kung paano ka hahatulan
Ang langit ay misteryoso, hindi ko alam
Kung ang mga kabaita’y higit sa karumihan
Ng bibig at kamunduhan, dinawit aking masasabi
Hindi sila palilinlang
At kung saan hahantong malamang kung saan lang
Sana’y kasakiman tinago na lang sa sarili
Pagkat ang hari’y isang tao rin hindi makapangyarihan
At kung susundin lahat ng kagustuhan
Wala kang kaiba sa isang mapagmalabis na diktador
Na pinaalis sa upuan
Kailan ma’y hindi mo maaaninag ang sarili sa salamin
Sapagkat ang ulo mo’y may koronang itim
Na sumasaklob sa kordero ng kasinungalingan
At ni minsan hindi sinabi kung nahihirapan
Bagkus gusto pa at hindi maiiwanan
Ang sariling angkan
Walang oras na ibinigay na may kaluwalhatian
Lahat ay bukas na pagtatanong
O hari, ilabas ang iyong huwad na sandata
At sisirain ko ang simbolo ng iyong korona
Kung hindi ka man magising,
Ito’y dahil nilamon mo ng buhay ang pagibig

Comments