Skip to main content

Asong Ulol


Sa pagkahaling sa panahon ng kamusmusan
May isang natatanging alaalang hindi mawawalay
Delubyo ang kaharap habang naglalakad
Paparoonan ay isang masukal na likuan
Ulap ay tumatama sa paningin
Binubulag ang bintana ng kaibuturan
Samantalang ikaw ay parating
Ang aking kaibigang yelo
Mata’y nakatitig, bilugan at maitim
Bumalik sa basang semento
Mga hinagpis tahimik na pinakinggan
Kahit pa ang diyos ay di maintindihan
Ang pag amo mo ang siya lamang kailangan
Sa sigawan at delubyo ng buhay
Ilang araw ding kumakaway
Parating man o paalis
Hindi pinapansin, pagkat hinagpis kung magtagal
Sa maliit na impyerno sa dulo ng mundo
Ilang beses nakinig sa mataimtim na luha
Na galing sa musmos na puso
Ikaw kaibigan ang natatanging kaharap
Sa gitna ng digmaan ng katangahan
Hindi na kita nakita
Baling araw ikaw ay masisilayan
Malamang pasalamatan
Pagkat sa isip ng isang batang ligaw
na sumambot ng kalupitan
Ikaw ang natatanging kabigkisan

Comments

Popular posts from this blog

Ako ay para sa Pilipinas, hindi sa Con-Ass

di ako papayag sa pambabastos sa ating konstitusyon ng mga naghahari-hariang sawa sa pulitika di ako papayag sa pagdumi sa ating bastiyon ng kalayaan, karapatan at simbolo ng ating kultura huwag tratuhin ang masa bilang indiyo ng mga kastila huwag asamin ang kapangyarihan na ibinigay ng bayan huwag gawing bulag ang mga matang tuon sa bandila huwag maging balakid sa pagsulong ng kapayapaan bakit kayo gahaman sa pusisyon, korupsyon at pera hindi niyo ba nakikita ang kalagayan ng Pilipinas at kanyang masa hindi niyo ba nasisilayan ang bagsak nating statura bakit hindi na lang ilagak ang oras sa kabutihan ng bansa hindi ngayon ang panahon para sa con-ass ngayon ang panahon para sa pag-aaklas ng malayang pagsusulat sa mga hinaras mahalin ang kulay ng bandila ng Pilipinas

Huling Sandali

Mabigat ang ulo. Pinilit buksan ang mga puyat na mata. Tumingin sa may pintuan ng malamig na kwarto, at may nakadungaw na isang babaing nakaputi. Ang sabi niya'y "Doc, may referral kayo sa ER". Tiningnan niya ang kanyang orasan, 3:15 am. "Aah, halos isang oras pa lang.." Ito na ang pangdalawampung oras niya sa kanyang duty bilang isang ENT intern nung araw na iyon at ito na rin ang pinakahuling duty niya bilang isang medical intern. Isang oras pa lang siya nakaidlip, may tawag na naman. Tumayo siya at medyo hilo. Humawak sa upuan at pader, at tumigil ng sandali. Binuksan ang pintuan at pumunta sa nurse station upang abutin ang telepono. Medyo malabo pa ang kanyang paningin dahil sa liwanag. Tinahak niya ang hallway na parang umiikot. Kinuha ang telepono. Nakinig. Kinusot niya ang kanyang mga mata at binaba ang telepono. Inulit niya uli sa kanyang isipan ang sinabi ng ER nurse na kanyang nakausap. "Doc, may referral po kayo from IM, ...

A Lifetime's Worth of Education (from a Filipino Thomasian Medical Student)

...because even if you have attained the highest level or position in the medical field, you are always a student of medicine. I wrote this blog on March 10, 2006 in my yahoo 360 account as an attempt to blog about my medical life (which I failed to do). This was written days before I became a 4th year student, a medical clerk, or in the medical lingo, "the lowest life form in the hospital"... Ever since I entered medical school, my whole life turned up side down. It was like I’m adrift into the whirling pool of uncertainties. I counted every moment, every second, living it day by day. They said it would only take a short time to finish medicine, the hell with it (4 years of pre-med, 4 years of med proper, 1 year of internship, 3-5 years of residency and 1-2 years of fellowship). Partially it was true, toxicities make time fly in lightspeed. I am a 3rd year medical student at UST Faculty of Medicine and Surgery and an incoming clerk (duty starts at april 15). Whenever I remin...