Oo, ako ay nagtutule, 1st year med pa lang ako, tumutule na ko.
Wala kong nakukuhang pera rito. Meryenda lang, minsan lunch na matino.
Eh ano ngayon kung tumutule ako, nakapagbibigay-saya naman ako
sa mga binatilyong di makatuntong sa ospital na pribado.
Tuwing bakasyon, yan ang trip ng medical frat ko.
Pumunta sa probinsya, medical misyon, bigay serbisyo sa tao.
Walang bayad-bayad, kami pa ang abonado.
Ikaw na nanunuya, nakikipagkapwa-tao?
Hindi lang tule ang nagawa ko, sa clerkship at internship ko
Lahat pinasukan ko, bypass, exlap,tracheostomy, knee replacement at TAHBSO
mag-isa akong intern sa TB ward ng San Lazaro
sa Fabella, isang damukal na nanay ang napaanak ko.
Ilang oras na tulog ang hindi ko tinulog
Sa isang linggo, nobentang oras ang duty ko
walang holiday, kahit baha, walang pasko
kailangan pumunta, di tulad ng trabaho niyo.
Ilang pasyente ang tinakbuhan para mag CPR
Kinakausap ang pasyente na parang ka-angkan
walang bahid ng sama, gusto gumaling lang
pinakamarangal na propesyon, mura kung komentuhan
kaya kung di mo ko kilala, wag mo kong mamaliitin
ang komento niyong basura pwede ba sunugin?
pang-aasar niyo, pagmumura, biro lang at tukso?
kung ganun, hindi kayo mga sira-ulo.
Comments