Naaaninagan ang sarili sa salamin
Habang natutulog ng gising ang hangin
Ipinamalas nito ang isang lupang tigang
At maalat na tubig na tabang
Habang natutulog ng gising ang hangin
Ipinamalas nito ang isang lupang tigang
At maalat na tubig na tabang
Nabubudburan ng maraming halaman
At isang libo na estatwa ng Aleman
Dama ko ang gabi sa paligid
Halos mawari ang bituin sa aking silid
At isang libo na estatwa ng Aleman
Dama ko ang gabi sa paligid
Halos mawari ang bituin sa aking silid
Nasilayan ko ang araw sa gitna ng aking mga mata
Pumaibabaw ang mga madadayang mangkukulam
Pumaibabaw ang mga madadayang mangkukulam
Haplos ang mga manikang gawa ng imahinasyon
Sa bawat pagtuon ng pansin
Sa bawat pagtuon ng pansin
Ilang kulisap ang nais loobin ng matingkad na daluyong
Sa huli’y isang kaisipan ang hahantungan
Ang pagmamalabis at walang hanggang pagbagsak
Katulad ng isang lalaking nakatali sa mapanglaw na gubat
Sa huli’y isang kaisipan ang hahantungan
Ang pagmamalabis at walang hanggang pagbagsak
Katulad ng isang lalaking nakatali sa mapanglaw na gubat
At sa bawat lagablab ng aking puso
Lumalabas ay lasong dugo
Sinasakop ang sariling katawan
At bumabalot sa kabaong na aking unan
Lumalabas ay lasong dugo
Sinasakop ang sariling katawan
At bumabalot sa kabaong na aking unan
Isang baligtad na krus sa aking harapan
At kasal ni kristo sa aking likuran
Paghakot sa maling kaalaman
Kailan may hindi ko malalaman
At kasal ni kristo sa aking likuran
Paghakot sa maling kaalaman
Kailan may hindi ko malalaman
Pakiramdam ko, ako’y nasa silid
Ninakawan ng liwanag at puno ng pagkamuhi
Ninakawan ng liwanag at puno ng pagkamuhi
Sinasakop ng rason at pag-asang tuwid
Malamig
Malamig
Comments