tingnan ang salamin
takot ang bumabalot
sa agos ng buhay baka tuluyang matangay
marami nang nilaan
yumayanig ang laman baka hindi sapat ang lahat
inuulan ang sumisipat, bumabakat
ang kaba'y pumipintig sa bawat sulok ng aking mga buto
sa makulimlim na pangarap kailan ma'y 'di nakaranas ng ganito
saan kukuha ng lakas, kaunting dausdos pipigtas
sumasanib ang dilim, namamawis ang kamay
nayuyurakan ang loob at pumapalibot sa numerong taglay
ang kandado sa pagsulong ng mundong may saysay
samantalang patuloy sa pagtunog ang alingawngaw
at pagsigaw na uhaw ang maitim na bunganga
sa likod ng aking ubong sumasama
kalagan ang tali sa aking mga kamay
at aking isasambulat ang 'di kapantayan ng utak niyang lilok
sa 'sang buwang inaamag na tinapay
at sa muling pagsasalita nito'y
ihahagis ko ang kanyang pamamalakad sa batalyong nauulol
datapuwa't malayo na ang aking natahak
kapag sumikat ang araw at ang bulaklak ay pula at di lanta
kapag ang hamog ay nalipasan na, sadyang kay saya
nakapikit, nakangiti, sana madama
Comments