Skip to main content

Atim


Isang pangarap na animo’y isang matayog na bituin
Kumikislap na mag-isa sa isang tanawing may isang libong araw
Kagustuhan ko mang tumitig at maabot ang langit
Hindi ko maaaninag at animo’y nabubulag

Naluluha at natutunaw sa pagpipilit na lumaya
Sa kaputikang dala ng aking lahi
Gusto kong alpasan ang mga karayom na nakaukit sa aking katawan
Kalagan ang mga kadenang nagpapahirap sa bawat yapak

Tanggalin ang koronang nagpapayuko sa bawat pagtingin
Ang kapang sumasapaw sa lahat ng aking galaw
Palayain ang sarili sa kawalan
Tumakbo sa daang walang hangganan

Akyatin ang matarik na talampas
At sa pinakahuling sandali ng aking pagtalon sa bituin
Ito pala’y lubog sa karagatan na pula
Kumukulo, umuusok at walang hanggan

Ako’y nalulunod sa sariling kanaisan
Pinapatay ang katawan
At sa sandali ng pagsagap ng hininga
Isang kaparasuhang tangan

Hindi alam ang gagawin
Languyin na lamang
Baka may lupa sa walang hanggan
Ngunit sa bawat pagsagwan ng aking katawan

Tila may balyenang dala sa likod
Ang balat ay gawa sa rehas ng impyerno
Pareho ng pupuntahan ngunit pinapatay ako sa bawat saglit
Pinupugutan ng hininga sa bawat sandali

Pahingi ng medisina

Comments

Ching said…
hehehe ang lalim ng mga tagalog pero ang naintindihan ko nagtitiis sa isang malalang sakit.. pilit gustong paglabanan ang buhay...

nice poem....

ching

Popular posts from this blog

Ang mga Uri ng Fraternity

Fraternity. Frat. Brotherhood. Sa mga news program, hindi na bago sa atin na may ibabalita na lang na may namatay dahil sa initiation o may bagong labas spy video ng mga nag-iinitiate. Ipapakita roon ang mga kulay talong na binti at braso, ang paddle na humahagupit sa puwet. Sumisigaw na mga blind-folded na neops. Pagkatapos ay iika-ika maglakad ang mga bagong salbang neophytes o fratmen. Iyong iba naman, hindi na nasilayan ang araw bilang miyembro ng frat na sinasalihan. Pero linawin natin ang sinasabing mga fraternity sa balita. Marami kasing uri ng fraternity. Mayroong tinatawag na community-based fraternities. Mayroong college fraternities. May university-based frats. Panghuli ay frat ng mga mason o ang freemasonry. Yung mga community-based frats, usually (hindi ko nilalahat) pang masa ang dating ng mga frat na ito. Yung college fraternities, dapat ay nakaenrol ka sa isang kurso, kung baga prerequisite iyon para makasali, tulad na lang nga mga law fraternities, medical fraternities

Ako ay para sa Pilipinas, hindi sa Con-Ass

di ako papayag sa pambabastos sa ating konstitusyon ng mga naghahari-hariang sawa sa pulitika di ako papayag sa pagdumi sa ating bastiyon ng kalayaan, karapatan at simbolo ng ating kultura huwag tratuhin ang masa bilang indiyo ng mga kastila huwag asamin ang kapangyarihan na ibinigay ng bayan huwag gawing bulag ang mga matang tuon sa bandila huwag maging balakid sa pagsulong ng kapayapaan bakit kayo gahaman sa pusisyon, korupsyon at pera hindi niyo ba nakikita ang kalagayan ng Pilipinas at kanyang masa hindi niyo ba nasisilayan ang bagsak nating statura bakit hindi na lang ilagak ang oras sa kabutihan ng bansa hindi ngayon ang panahon para sa con-ass ngayon ang panahon para sa pag-aaklas ng malayang pagsusulat sa mga hinaras mahalin ang kulay ng bandila ng Pilipinas

Huling Sandali

Mabigat ang ulo. Pinilit buksan ang mga puyat na mata. Tumingin sa may pintuan ng malamig na kwarto, at may nakadungaw na isang babaing nakaputi. Ang sabi niya'y "Doc, may referral kayo sa ER". Tiningnan niya ang kanyang orasan, 3:15 am. "Aah, halos isang oras pa lang.." Ito na ang pangdalawampung oras niya sa kanyang duty bilang isang ENT intern nung araw na iyon at ito na rin ang pinakahuling duty niya bilang isang medical intern. Isang oras pa lang siya nakaidlip, may tawag na naman. Tumayo siya at medyo hilo. Humawak sa upuan at pader, at tumigil ng sandali. Binuksan ang pintuan at pumunta sa nurse station upang abutin ang telepono. Medyo malabo pa ang kanyang paningin dahil sa liwanag. Tinahak niya ang hallway na parang umiikot. Kinuha ang telepono. Nakinig. Kinusot niya ang kanyang mga mata at binaba ang telepono. Inulit niya uli sa kanyang isipan ang sinabi ng ER nurse na kanyang nakausap. "Doc, may referral po kayo from IM,