Inilarawan ng sarili ang aking bato
Umikot at tumungo ka sa bintana
Lagyan ng papel na itim ang likod nito
Nang makita mo ang maliit mong mundo
Umikot at tumungo ka sa bintana
Lagyan ng papel na itim ang likod nito
Nang makita mo ang maliit mong mundo
Nakapalibot sa mga panaginip na bato
Sa mga pag-asang lunod sa putik
Isang malaking dahon ng tinangay ng hangin
Hindi na makikita mapakailan pa man
Maglalaho, mawawala sa sanlibutan
Katulad ng aking pananampalataya
Sa pagmamanman sa mundo
Na lahat ay nakakapagod
At sadyang puro kapangitan at angas
Isang paglulustay ng oras at panahon
Ang manatili sa mundo sa batong to
Sapagkat inis at galit ang bumubuhay sa utak mo
Sadyang maikli at maliit ang ulo mo
Init na galing sa yelo
Ay marahang umiipis sa iyong puso
Ngunit di ka rin masisi
Sapagkat ikaw ay nadiktahan
Ng mga puwersang di mo namamalayan
Lahat ng pangyayari ay may mga tenga
May mga lubid na nakabuhol
Dala dala sa pagtanda
Ipinasa ng walang awa
Walang isip-isip
Winalang hiya
Comments