Pumunta ako sa silid-aklatan, isang lungga ng mga maiingay na utak sa gitna ng nakakabinging kapayapaan.
Maraming bubwit na nakaupo.
Marami ang nagsisipatan.
Marami ang nagtitinginan.
May hindi mapakali. Mayroon namang nagprapraning-praningan.
Nakakasilaw ang galamay ng kalangitan na padalos-dalos na tumatama sa ibabaw ng mesa at sa mga sulok ng kisame at walang sawang tumitilamsik sa itim ng aking mga mata.
Sa gawing kanan naman ay ang mga higanteng bintana na nakukulayan ng mga luntiang dahon ng mga punong matatanaw sa labas.
Ang mga tao, nakaupo, umuupo, iba’y tumatayo. Ang kanilang mga mukha ay guhit ng isang larawang punung-puno ng anino at tila mabibigat ang mga dala. Ang iba ay nakatuon sa kawalan, nakatunganga, blanko, at tila ba nasa ibang oras at hinigop ang kanilang pag-iisip ng isang namatay na araw sa kalawakan. Ang ilan naman ay nagpapakahenyo at na-eengganyo sa paulit-ulit na pagbasa, pagsambit sa isip, at pagtungo sa pagpayag nilang lamunin ng impormasyon ang kanilang buhay.
Uupo ako sa may dulo kung saan lamok at langaw lang ang nais umokupa ng nasabing espasyo.
“Bakit nga ba ayaw ko sa maraming tao? Hindi naman nila alam ang pangalan ko? Baka sila mag-ingay?"
Baka ang sabik ko ay biglang mamatay, ‘di magtagal ay lilipat din ng lugar kung saan walang lamay o makipagharapan sa isang mayumi, at mag-isip ng madumi.
Kalimutan muna ang lahat at may haharapin pang kinatatakutang mahabang pagsusulit na palapit.
Kaya pumunta ako sa dulo, hawak-hawak ang isang elepanteng libro. Ang nilalaman ay hindi ko maitanim sa aking ulo.
Comments
munch-mallows!!!
munch-mallows!!!
munch-mallows!!!