Skip to main content

Posts

Showing posts from September, 2009

Kaguluhan

Sumuka sa huni ng binibini Pasirkong lagpak sa palapag Sumambulat ang kahibangan Panahon na di mababalikan Tumimpla sa daloy ng balon Panibugho ni Adan sa Diyos Pisil ng hayop sa kalamnan Ang sugat na kinamuhian Patago sa init ng araw Umaalpas sa lamig ng bituin Idlip na animo'y bangungot Sumisilip ng walang lintik Ang talbog ng dibdib nananaginip at nagmimithi Ang mga sinaunang sarap Makamtan muli Lumabas sa unos Sa kaulapang maliwanag Pagpigil ng ngiti Lumipad ng tuluyan Umaagos ang ginto Humihiyaw ang sirena Tingin sa mga nakausad Matatahimik na

Ang Mga Tao sa Layb (part 3)

basahin ang part 1 basahin ang part 2 Nilapit ko ang libro sa aking humahabang ilong. Ginalaw ko ang aking leeg, paikot na pakanan, paikot na pakaliwa habang hawak ang libro sa kaliwang kamay, sinilip ang ilalim ng mga mesa sa tabi, baka nagtatago ang may-ari. Tiningnan ko ang libro. Nakabalot sa isang espesyal na kulay, lila. Natibo ako ng mga maliliit at malalambot na balahibo na tekstura ng balot. Imbis na makasugat ito ay nagbibigay kiliti sa aking mga daliring pilit kumakapit. Huminga ulit, ngayon ay malalim. Ang kanyang halimuyak...ay parang isang nagtatagong hardin sa likod ng isang mansyon, mabigat ang hangin, maaamoy ang simoy ng mga nagkalat na bulaklak, ang maligamgam na init ng iyak ng umaga, ang pagaspas ng mga tangkay ng puno habang sumasagi ang malambot na hangin, ang mga damong tila kumakalabit sa paa at ang hamog na dahang-dahang kinukulayan ang kapaligiran. “Sino kaya may-ari nito? At sinong tao ang gagamit ng cover na ganito?” Binuksan ko ang libro, ang u...

Ang Mga Tao sa Layb (part 2)

(basahin muna ang part 1 ) Inalis ko ang upuan sa pagkakabit nito sa mesa. Pinili ko ang pang-isahang mesa ngunit konektado sa lima pang mesa sa tabi nito. Ang mesa na may tatlong harang para sa gagamit. Isa sa kaliwa, isa sa kanan at isa sa harapan. Ginawa ito para hindi masayang ang oras sa pakikipagtinginan sa taong nasa harapan. Kinabig ko pa ang upuan. Naglabas ang sahig ng isang iyak na para bang kinahig ng matalas na paa ng upuan ang tiyan nito. Tumingin ako sa paligid. Walang tumingin maliban sa babaing nakaupo sa gitna na nangongolekta ng ID para sa mga taong nananabik na pumapasok sa espesyal na seksyon ng silid-aklatan. Baka ilusyon lang ang mga ibang tao at sa totoo’y kami lamang dalawa ang tao sa layb. “Kalokohan.” Umupo na ako. Nilapag ko ang dalang libro at bag, pati na rin ang pabigat sa aking dibdib, bumuntong-hinga...mabigat pa rin. Binuksan ko ang papel na nakabalunbon sa isang matigas papel na may plastic na ‘di hamak na mas malaki sa isang normal na ...

Ang Mga Tao sa Layb (part 1)

Pumunta ako sa silid-aklatan, isang lungga ng mga maiingay na utak sa gitna ng nakakabinging kapayapaan.  Maraming bubwit na nakaupo.   Marami ang nagsisipatan.  Marami ang nagtitinginan.  May hindi mapakali. Mayroon namang nagprapraning-praningan. Nakakasilaw ang galamay ng kalangitan na padalos-dalos na tumatama sa ibabaw ng mesa at sa mga sulok ng kisame at walang sawang tumitilamsik sa itim ng aking mga mata.  Sa gawing kanan naman ay ang mga higanteng bintana na nakukulayan ng mga luntiang dahon ng mga punong matatanaw sa labas. Ang mga tao, nakaupo, umuupo, iba’y tumatayo. Ang kanilang mga mukha ay guhit ng isang larawang punung-puno ng anino at tila mabibigat ang mga dala. Ang iba ay nakatuon sa kawalan, nakatunganga, blanko, at tila ba nasa ibang oras at hinigop ang kanilang pag-iisip ng isang namatay na araw sa kalawakan. Ang ilan naman ay nagpapakahenyo at na-eengganyo sa paulit-ulit na pagbasa, pagsambit sa isip, at pagtungo sa...

What is the difference between Tagalog and Filipino?

Tagalog used to be the National Language of the Philippines. Its existence can be traced back from the pre-Spanish Era. Tagalog is an olden language . Rajah Sulaiman was the Datu of the Tagalog Kingdom before it was forcefully taken by the Spaniards in the 15th century. The Tagalog people are the people who lived near the Ilog Pasig, hence, the term " Tagalog ", which is a contracted word of " taga-Ilog ". The Tagalog alphabet is also known as the " abakada " which is comprised of the following letters: A B K D E G H I L M N NG S T U W Y Pronounced as: A BA KA DA EH GA HA I LA MA NA NGA PA RA SA TA U WA YA The Congress changed the National Language to Filipino in order to unify our divided native tongues, because aside from the Tagalog Language, the Philippines also has other languages/dialects such as Cebuano, Ilonggo, Ilocano, Bicolano, Kapampangan etc. Although the Filipino Language is mostly based on Tagalog, it offers "direct adaptation"...

Sinagtala

Parang asong buwang na nakaalpas Sa abusong bato na marahas At ngayon patungo na sa kolehiyo 'Sang bultong bagahe ang hatak ko Sa sinagtala ang aking dormitoryo Sa bagong bintana ng mundo ko Namasid kang naglalakad sa ulap Sa ating mata tayo'y nag-usap Pinakilala ka ng kasama ko Gradweyting sa devcom na kurso Ako freshman sa kursong bio Hindi ba tila nagmamadali ako Sa isang inuman tayo nagkasipatan Ang lambanog na asul ay ubus-ubusan Kuwentuhan sa dilim ng lalim ng gabi Natapos ang drama sa simbang-gabi Sa unang sulyap sa bandang kinagisnan Sumingit sa pila ikaw ang pumaraan Sa unang dinig ng ingay at himig Langit ang tabi habang El Bimbo'y tuminig Salamat sa alaala binibining maganda Bagong sibol pa lang ako, ika'y paalis na Maging mabait sana ang tadhana sa iyo Ang unang lumagi sa aking dormitoryo