Skip to main content

Posts

Showing posts from June, 2009

Tambay

Ang isip pumapatak sa kalituhan Bawa't segundo'y hinihintay Nais palayain ang sarili ng marahan Bumalik sa nakaraang tunay Blanko ang naturang pag-iisip Umiiwas sa mundong kinagisnan Walang adhikain kundi sumilip Lustayin ang oras ng walang malay Sirain ang oras sa pag-idlip Hanggang ngalay ay sumapit Lakad sa kalye muka'y takip Kalam ng sikmura'y lumalapit

Nagugunaw na ang Mundo

hinahabol hinhabol ng hinga sumisikip sumisikip ang dibdib lumulubog lumulubog sa tubig Sa kailaliman kailaiman ng mundo walang matapakan walang mahawakan hindi na kayang isalba pagkat nagugunaw ... nagugunaw na ang mundo nadadapa nadadapa sa putik umaagos umaagos ang dugo lumilipad lumilipad sa ulan nasisindak nasisindak sa iyo...

Atim

Isang pangarap na animo’y isang matayog na bituin Kumikislap na mag-isa sa isang tanawing may isang libong araw Kagustuhan ko mang tumitig at maabot ang langit Hindi ko maaaninag at animo’y nabubulag Naluluha at natutunaw sa pagpipilit na lumaya Sa kaputikang dala ng aking lahi Gusto kong alpasan ang mga karayom na nakaukit sa aking katawan Kalagan ang mga kadenang nagpapahirap sa bawat yapak Tanggalin ang koronang nagpapayuko sa bawat pagtingin Ang kapang sumasapaw sa lahat ng aking galaw Palayain ang sarili sa kawalan Tumakbo sa daang walang hangganan Akyatin ang matarik na talampas At sa pinakahuling sandali ng aking pagtalon sa bituin Ito pala’y lubog sa karagatan na pula Kumukulo, umuusok at walang hanggan Ako’y nalulunod sa sariling kanaisan Pinapatay ang katawan At sa sandali ng pagsagap ng hininga Isang kaparasuhang tangan Hindi alam ang gagawin Languyin na lamang Baka may lupa sa walang hanggan Ngunit sa bawat pagsagwan ng aking katawan Tila may balyenang dala sa likod Ang bal...

Adik

Hindi makaalpas sa sariling piitan Animo’y isang sawa sa katawan Ngunit kung lalapitan Ay isang dagok sa kaibuturan Hindi na lalaya sa mga pangarap Nahulma sa gitna ng kabataan at katarantaduhan Sumusuot sa bawat dilim ng pag aari Ang sawang gahaman Naghuhukay ng sariling lamay Sa bagal ng galaw ng buhay Masisira ang mga lahi Titigil at ikakamuhi Iniisip sa kawalan Ang mga pantasyang lumulutang Napapapikit sa saya Pagkamulat ay masagwa Kailan maaatim ang kaginhawaan Alam ko rin ang sagot sa katanungan Maaaring bukas masimulan Ang pagtigil sa sariling kalamnan

Ako ay para sa Pilipinas, hindi sa Con-Ass

di ako papayag sa pambabastos sa ating konstitusyon ng mga naghahari-hariang sawa sa pulitika di ako papayag sa pagdumi sa ating bastiyon ng kalayaan, karapatan at simbolo ng ating kultura huwag tratuhin ang masa bilang indiyo ng mga kastila huwag asamin ang kapangyarihan na ibinigay ng bayan huwag gawing bulag ang mga matang tuon sa bandila huwag maging balakid sa pagsulong ng kapayapaan bakit kayo gahaman sa pusisyon, korupsyon at pera hindi niyo ba nakikita ang kalagayan ng Pilipinas at kanyang masa hindi niyo ba nasisilayan ang bagsak nating statura bakit hindi na lang ilagak ang oras sa kabutihan ng bansa hindi ngayon ang panahon para sa con-ass ngayon ang panahon para sa pag-aaklas ng malayang pagsusulat sa mga hinaras mahalin ang kulay ng bandila ng Pilipinas

Ba't 'di ka na lang tumula?

Ba't di ka na lang tumula gamit ang mga salita Ipagkalat ang damdamin kumausap sa wala Ingles o Tagalog maaaring mababaw o malalim Pumikit at hayaang ang puso't isip ang umamin Ritmikong pagsusulat hindi inaalintana Irregulat man, apatan, tatluhang linyahan Pulitikal, kultura o anong kabalbalan Kahit anong istilo hindi kailangang klaro ang laman Mahalaga'y maisulat kung ano ang nasa abog Matinding sikat ng nakakasilaw na araw, sa gabi'y lulubog Galit ang ulap, umiiyak at sumabog, yero'y kumakalampog Bumalikwas sa double deck, tumayo't uloy naumpog Kesa mambastos, cyberbully o mang-flames Bullying around using your anonymous planes Or if not pretending you are smart, made up of manly shame Rallying with your online blog friends proud to be ashamed Ba't di ka na lang tumula gamit ang mga salita Ala Gat Jose Rizal, sandata ng mga makakata Umiibig, nananaginip, nagdarasal, nagwawala Kesa ipagkalat kung ano ang isusuot sa tunggaan mamaya

Pangalawang Bato

Inilarawan ng sarili ang aking bato Umikot at tumungo ka sa bintana Lagyan ng papel na itim ang likod nito Nang makita mo ang maliit mong mundo Nakapalibot sa mga panaginip na bato Sa mga pag-asang lunod sa putik Isang malaking dahon ng tinangay ng hangin Hindi na makikita mapakailan pa man Maglalaho, mawawala sa sanlibutan Katulad ng aking pananampalataya Sa pagmamanman sa mundo Na lahat ay nakakapagod At sadyang puro kapangitan at angas Isang paglulustay ng oras at panahon Ang manatili sa mundo sa batong to Sapagkat inis at galit ang bumubuhay sa utak mo Sadyang maikli at maliit ang ulo mo Init na galing sa yelo Ay marahang umiipis sa iyong puso Ngunit di ka rin masisi Sapagkat ikaw ay nadiktahan Ng mga puwersang di mo namamalayan Lahat ng pangyayari ay may mga tenga May mga lubid na nakabuhol Dala dala sa pagtanda Ipinasa ng walang awa Walang isip-isip Winalang hiya

Sapa ng Palay

sa gintong palayan, ang huni'y nagising, kanina'y naidlip sa daloy ng panaginip habang nasisilayan ang katotohanan at nakita kitang lumilipad walang bahid na kalapati ang katulad sa dulo ng kahong kulungan naipit ng kung ano ang pakpak habang nakatuon sa biluging mata na siya lamang daing at nagniningning sukob ng langit ang daloy ng buhay nawawala sa ulirat ng banggain humingi ng direksyon sa apoy na gulat ang siyang nakatali at nakabigti hindi kailan man magkakatingin tapusin na ang paghihintay inipit ng langit at panahon na sana'y matagpuan ang sarili lumilipad sa kaibuturan ng iyong mundo gamit ang pighati sa paghahanap sayo umuulan ng kalungkutan sa gitna ng mga buwan samantalang hindi alintana ang bugso ng mga ulap tumatakas at nakikiusap o sana sa pagtayog ng ilaw sa malamig na panahon kung saan malaya sa pag-aalinlangan isang pangarap na taglay alamat ng sapang palay

Rambol

Kagagaling lang sa may kanto Nakipagbuno sa sindikato Alam ko ang buo nilang plano Dalawa kaming walang sinasanto Ang usapan, ako sa kanan, siya sa kaliwa Tumatakbo na kami at rumaragasa Kumukuha na ng bato at pala Sumulyap sa kaliwa, isang iglap nawala Pasugod pa rin, natalisod, naumpog Sinapak, tadyak, kumalampog Paningin nagdilim, puso'y sumabog Hatinggabi'y sumilip, umulan, kumulog Kakagaling lang sa may kanto Dala ang mundo, nakayuko Maraming nakatinging tao Humakbang ng mabilis, tumakbo