Skip to main content

Posts

Showing posts from May, 2009

Leong Mabalasik at Kalapating Uwak

ang hulma animo'y leong mabalasik aligasgas ng balahibo'y napakaimi guhit ng mga mata'y nagbabadyang maghasik pagbaling sa salamin anyo'y maputi pero putik ayon sa kalangitan ang kanilang ginagawa lumusong at bumaba sa kalapating hapo niyurak ang pakpak ng walang awa umiyak ang umaga lumipad ang lupa ngayon ang kalapati'y tinubuan ng sungay naging kaliskis ang balahibong tunay pakpak na sapat nawala ang ulirat lumabas ang sibat sa natamong sugat habang si leon ay nagkubli sa lupa naging anyong uwak ang kalapating sinumpa isinabog nito ang kaitimang dala ang balahibo't pakpak maitim na nais ng uwak tumuntong sa tuktok ng mundong dilim balutin ang dagat ng budhi niyang itim itumba ang sinumang umalis sa takipsilim tingnan sa salamin, siya'y naging leon din o mga hangal na ibon kayo ang dahilan ng pagbagsak at pag-urong ng buong katauhan ikaw leon, pinorma ang kalapating, uwak ikaw leon, imahe ng dios mo'y muka mong tumpak mga leong mabalasik galing kayo sa...

A Lifetime's Worth of Education (from a Filipino Thomasian Medical Student)

...because even if you have attained the highest level or position in the medical field, you are always a student of medicine. I wrote this blog on March 10, 2006 in my yahoo 360 account as an attempt to blog about my medical life (which I failed to do). This was written days before I became a 4th year student, a medical clerk, or in the medical lingo, "the lowest life form in the hospital"... Ever since I entered medical school, my whole life turned up side down. It was like I’m adrift into the whirling pool of uncertainties. I counted every moment, every second, living it day by day. They said it would only take a short time to finish medicine, the hell with it (4 years of pre-med, 4 years of med proper, 1 year of internship, 3-5 years of residency and 1-2 years of fellowship). Partially it was true, toxicities make time fly in lightspeed. I am a 3rd year medical student at UST Faculty of Medicine and Surgery and an incoming clerk (duty starts at april 15). Whenever I remin...

Revalida

tingnan ang salamin takot ang bumabalot sa agos ng buhay baka tuluyang matangay marami nang nilaan yumayanig ang laman baka hindi sapat ang lahat inuulan ang sumisipat, bumabakat ang kaba'y pumipintig sa bawat sulok ng aking mga buto sa makulimlim na pangarap kailan ma'y 'di nakaranas ng ganito saan kukuha ng lakas, kaunting dausdos pipigtas sumasanib ang dilim, namamawis ang kamay nayuyurakan ang loob at pumapalibot sa numerong taglay ang kandado sa pagsulong ng mundong may saysay samantalang patuloy sa pagtunog ang alingawngaw at pagsigaw na uhaw ang maitim na bunganga sa likod ng aking ubong sumasama kalagan ang tali sa aking mga kamay at aking isasambulat ang 'di kapantayan ng utak niyang lilok sa 'sang buwang inaamag na tinapay at sa muling pagsasalita nito'y ihahagis ko ang kanyang pamamalakad sa batalyong nauulol datapuwa't malayo na ang aking natahak kapag sumikat ang araw at ang bulaklak ay pula at di lanta kapag ang hamog ay nalipasan na, sadyang k...

Medikal Klerk

Si Tonyo, nung isang buwan, galing ng pribado ang mga anak, nag-usap, magpubliko ako ang tumulak sa malubak na semento sa MICU F, lalagak si Tonyo Isang buwan bago ang revalida huling rotation, sa ward ng medisina araw-araw, oras-oras, Q1 kung pumunta ABG sa edematous na braso, na master na Pagpunta sa dialysis isang malaking problema buong batalyon mababait na sumasama mech vent, higanteng O2 tank at suction pa ambubag, O2 carrier, hiram na stretcher, tulak na Kumakaripas, kinakabahan, ako lang ang naiiwan 80/50, ihihinto, may reliever, patient care na naman against all odds, refer to the world, its for service man 160,000 pesos a year, it's never been better, damn 3 days, pre-duty, duty, at from status isang kandilang unti-unting nauubos papasok, sasabak sa baha, lalabas sa clerk's room BP, RR, temp, CVP, suction, at urine output Ang CIC, sabi nila, kahawig ng pamangkin si Tonyo, itinuring na kamag-anak na rin si Tonyo at ang apo, buhay na sining si Tonyo, sa MICU A, nabaling...

Bibong Tsubibo

nag-iisip humakbang baka gumewang ang kamay nasa haligi, araw ay sumiwang naninikip ang langit, handa pa rin sumalang lumalabas ang hangin, sa loob ko'y tikbalang nag-iintay, paputol-putol, lumiliko, umiikot nagsisigawan, pausod-usod, sumisirko, natatakot naghihiyawan, papikit-pikit, sumasayaw, baluktot nang umulan, tumaimtim, sumawsaw, bumalot ang kasiyahan, sa kapalaran kapangyarihan, at kapayapaan walang balakid, walang pakialam malaya sa kasalanan nasa tuktok, maraming bundok may ulap sa itass, mayroon din sa lupa sabaw ng boses, naririnig, ayaw ng sumandok bakal na ahas, paatras, dilim ay humupa lumiwanag ang bata'y sumambulat kalabog nawala isa pa nga

Masamang Misis na Kuneho

Oo, ako ay nagtutule, 1st year med pa lang ako, tumutule na ko. Wala kong nakukuhang pera rito. Meryenda lang, minsan lunch na matino. Eh ano ngayon kung tumutule ako, nakapagbibigay-saya naman ako sa mga binatilyong di makatuntong sa ospital na pribado. Tuwing bakasyon, yan ang trip ng medical frat ko. Pumunta sa probinsya, medical misyon, bigay serbisyo sa tao. Walang bayad-bayad, kami pa ang abonado. Ikaw na nanunuya, nakikipagkapwa-tao? Hindi lang tule ang nagawa ko, sa clerkship at internship ko Lahat pinasukan ko, bypass, exlap,tracheostomy, knee replacement at TAHBSO mag-isa akong intern sa TB ward ng San Lazaro sa Fabella, isang damukal na nanay ang napaanak ko. Ilang oras na tulog ang hindi ko tinulog Sa isang linggo, nobentang oras ang duty ko walang holiday, kahit baha, walang pasko kailangan pumunta, di tulad ng trabaho niyo. Ilang pasyente ang tinakbuhan para mag CPR Kinakausap ang pasyente na parang ka-angkan walang bahid ng sama, gusto gumaling lang pinakamarangal na pro...

transcendence

when I feel you, I remember the sun blindingly gazing at its greatness, hurting at some shivering off the coldness, embracing the light soaring through the ages, lifting, emerging with calm when i look at you, I see the moon shining amidst the darkness of my mind I tried to be near you, you spoke so gently touched me softly, your smile was one of a kind can we be? let us be, hear me whisper for a minute we may lose our time and for this last moment, before you take your eyes away stare at me for the last time tell me now if we really are one for a second, a million, or for eons at a glance shifting between cycles, returning back when time began breathing slowly, discovering a lifetime of trance

stress buster

parang sa James Bond movie after killing the bad dudes smoothly you are laying on the floor ready to knockdown your door its like the perfumemaker movie after collecting their scents manually isang patak lang, isang shockwave lahat naghubad at nag-enjoy sa rave huwag nang mag-isip kahit may sumilip hinimatay na ang butiking nagflip hindi na mapipigilan ang inip lilipad na ang rocketship ito na ang pinakaaasam huwag na tayong gumamit ng cam baka madownload lang kung saan malapit na kong....

Obra

Ang pangungusap na namutawi sa iyong dila ay sing haba ng baybayin sa mata ng mga mangingisda.Ang utak kong inabuso, ay kasing lawak ng kaitaasan ng kalawakan, kalalim ng karagatan. Ito ay hindi sapat sa pandidiri sa salita mong baluktot at hangal. Lahat ng butas, susuotan. Pagmamaneobra parang ahas sa daan. Mata'y singkit sa kakulitan, ipinanganak ka na isang delubyong maparaan.

Ganid

Ang buhay ay walang katapusang paghangad sa mga bagay na di magapos ng palad. Ang buhay ay isang salamin ng lahat ng pagkakamali. Ang buhay ay walang hanggang pagbagsak sa kawalan ng kalawakan. Hindi alam kung saan titigil. Hindi alam kung saan pupunta. Pagbagsak na walang pagbabalik. Ito ay pag-atim sa maling kamalayan. Pagkapit sa maling dulo ng punyal. Pagkurap sa kadiliman. Pagdilat sa harap ng haring araw. Pagtatanong ng walang kasagutan. Pagtanggap ng walang tanggihan. Buhay ay buhay. Buhay na hindi gamay ng palad. Utang ang buhay o regalo? Karapatan? Magdusa ng kaunti sabi ng hangin. Ang liwanag ay darating kapag umiwas na ang itim na ulap sa labing duguan sa hirap Sapat na sa iyo ang kasya sa mata ko. Wag ka ng lumingon. Buhay mo ay hawak mo. Buhay nga ay ganito. Isang kuwento ng trahedya na nakatago sa kailaliman ng dagat. Tulad ng mga epikong sinungaling kailangan matutunan uli ang pagbabalik sa pagkabulag. Kung maaari akong haplusin ng mga ulap. Mahamugan ng tuluyan upang su...

Utak ng Sumpak

Ubusin mo ang letra sa diksyunaryo Sambutin mo na ang imahinasyon mo Ipitin na ng trak ang isip mong bapor Hindi magbabago ang ilog mong katol Pagkat ang konsensya mo'y tado Sa sariling mata, isa kang henyo Isang mapagkunwaring mapagbigay ang totoo, madamot at sablay Ang isang bagay parang haring araw Ang langgam, ga-elepante ang laki Sa tikas mong astig at lumalaban Inutil at walang muwang ang kampi Ang korona nasa ulong ipit Ang talak isang milyong sipit Ang isipang diyos ang tindi Lahat ng makikinig, bibigti

Dingding

Nakatingin sa dingding Nakatuon sa panalangin Na ang langit ay nakikinig Sa bawat luha at hikbi Nakadungaw sa hangin Sa gitna ng mundo Hinihintay ang pagbaling Ng mapayapang abo May masilungan ang puso Bumalot sa kaibuturan ng katawan Takpan ang 'sang libong iyak Ng aking mapanibughong katauhan Sa huli'y uupo ng mag-isa Ilalim ng batong may basang lupa Titingin sa dingding, magnanasa Sabay ang parusa't pabuya

Arkitekto

Naaaninagan ang sarili sa salamin Habang natutulog ng gising ang hangin Ipinamalas nito ang isang lupang tigang At maalat na tubig na tabang Nabubudburan ng maraming halaman At isang libo na estatwa ng Aleman Dama ko ang gabi sa paligid Halos mawari ang bituin sa aking silid Nasilayan ko ang araw sa gitna ng aking mga mata Pumaibabaw ang mga madadayang mangkukulam Haplos ang mga manikang gawa ng imahinasyon Sa bawat pagtuon ng pansin Ilang kulisap ang nais loobin ng matingkad na daluyong Sa huli’y isang kaisipan ang hahantungan Ang pagmamalabis at walang hanggang pagbagsak Katulad ng isang lalaking nakatali sa mapanglaw na gubat At sa bawat lagablab ng aking puso Lumalabas ay lasong dugo Sinasakop ang sariling katawan At bumabalot sa kabaong na aking unan Isang baligtad na krus sa aking harapan At kasal ni kristo sa aking likuran Paghakot sa maling kaalaman Kailan may hindi ko malalaman Pakiramdam ko, ako’y nasa silid Ninakawan ng liwanag at puno ng pagkamuhi Sinasakop ng rason at pag-...

Bathala

Tingnan niyo ang angking kagandahan Na patunay na hindi pagkatalo ang pagsama sa iyo Sa ilalim ng ulan at ulap Habang kumakalampag sa sinag ng araw Habang tinatahi ang tadhana Habang nakikinig sa mga huni ng kalapati At tibok ng katauhan Iniisip ang katawan sa gitna ng palayan Iniisip ang buwan sa kabilang mundo Iniisip ang buhay kung magkatabi tayo Iniisip ang bawat sandali na magkadaloy ang kalupitan Ng isang araw na hindi mapapawi ang bugso ng buhawi At magpakailan man nakalutang sa panaginip Ng walang oras at labas sa panahon Mga bathala hindi makababa Mga bathala hindi na maalintana Mga bathala kung saan man Ako ay nasa lupa lang At sa dulo ng hibla ng buhay Ikaw ay lumilipad Hanggang sa mapawi ng karanasan

Mula sa Kahapon

Hindi kilala ng ilan Isang adhikain ng wala Hindi makuha ng sapat Sapat na bukod tangi Sa yaman siya’y pipiglas Ngunit mahirap alamin Ang simula at wakas Sa kanyang muka ay mapa ng mundo Mula sa kahapo’y dumarating Mula sa kahapo’y nanginginig Mula sa kahapo’y tinatawag Ngunit ayaw basahin ang mensahe rito Sa isang bundok siya’y nakaupo, ng tae, hindi ginto Nakasalamin sa dugo, nasilip ang buhay na binulok Sa demokrasya ng diktadurya Tapos na ang paglustay sa mga inosente Sa kanyang muka ay mapa ng mundo Sa kanyang muka ay mapa ng mundo Mula sa kahapo’y dumarating Mula sa kahapo’y nanginginig Mula sa kahapo’y tinatawag Ngunit ayaw basahin ang ...

Hari ng Gusot

Sumakop uli ang ulirang hangin Kasabay ang araw ng mga hangal Umiikot ang panalangin Kasama ang mga taong pantal Ang tugatog ng panahon ko Inalipusta at winasiwas ng dila mo Nagbulag-bulagan at tumanga ako Iniluwa ang kagandahan ng ina mo Pag ako ang nasa mata mo Nasasaniban kang parang gago Ang mga walang hiya sa buhay mo Ang binabalikbalikan mong bago Kaya tinapon ko ang isang tanong na magalang Sunog na ang balat sa baluktot ng dilang banal Bakit mo nilugmok ang gagong tikbalang At sabay angal sa kumakabit na kupal Anya niya, matador ang traydor na ungas Sino ba ang anak ng himagsikang butete Kung saan ang puno at bunga na patas Doon kukubli ang natuturete Hanggang hari ang ulupong Lalamunin ang masirkong estupidong tunog Mabagal ang mundo, usad-pagong Ikaw ang anghel sa mundong sabog Lahat ng muta ginamit na sangga Natagpuan at inipon ng baboy ramo Hinasa at tumulis, pinangsaksak sa panga Ikakamatay ng sino mang tao sa labas Ang sumasaksak may alipunga sa utak Malawak ito, ngunit l...

Asong Ulol

Sa pagkahaling sa panahon ng kamusmusan May isang natatanging alaalang hindi mawawalay Delubyo ang kaharap habang naglalakad Paparoonan ay isang masukal na likuan Ulap ay tumatama sa paningin Binubulag ang bintana ng kaibuturan Samantalang ikaw ay parating Ang aking kaibigang yelo Mata’y nakatitig, bilugan at maitim Bumalik sa basang semento Mga hinagpis tahimik na pinakinggan Kahit pa ang diyos ay di maintindihan Ang pag amo mo ang siya lamang kailangan Sa sigawan at delubyo ng buhay Ilang araw ding kumakaway Parating man o paalis Hindi pinapansin, pagkat hinagpis kung magtagal Sa maliit na impyerno sa dulo ng mundo Ilang beses nakinig sa mataimtim na luha Na galing sa musmos na puso Ikaw kaibigan ang natatanging kaharap Sa gitna ng digmaan ng katangahan Hindi na kita nakita Baling araw ikaw ay masisilayan Malamang pasalamatan Pagkat sa isip ng isang batang ligaw na sumambot ng kalupitan Ikaw ang natatanging kabigkisan

Ang Daigdig

Ipinanganak ka sa dilim Sa magubat at basang lugar Ilang ulit lumabas at pumasok Ang mga adik na nangarap Biglaang sumasangsang Tumagal ay hanging banal Sangkot sa pagkalumo At ng isang libong ngiti May pumapatay Sumasanib ang haring demonyo Alsa balutan ang mga anghel Wala na sa ulirat ng oras at panaginip Nagbibigay buhay Liwanag sa sanlibutan Kahabaan at karamihan Pasahan ng walang hanggan Silip. Tikim. Turo. Pagsabog.

Isang makislap na Anime

Tadhana o pagkakataon na ika’y makasabay sa paglipad sa mahabang daan. Patungong sa isang malaking simbahan. Di ko mapigilan na malaman ang iyong pangalan. Pagkat kakaiba ang iyong mga mata parang butil ng mga bituin na isinabog sa kalawakan na dinaluyan ng tubig galing sa Euphrates Sa lupang ito ikaw ang tunay ng goddess. Nakakaaliw, nangungusap sa lahat ng paraan Sumapi ka sa aking kaisipan. Dala ang isang tonelada na mga libro. Ikaw at ako. Sana’y tayo. Ang alindog ng hangin ay sumasabay lamang sa nakakasinag na liwanag ng iyong maamong mukha. Sulit na ngiti. Nakakaantok na titig. Malamyos na mga galaw. Ngunit sinagot na rin ako ng tadhana na hanggang tula lang ang pag-ibig ko. Isang pag-ibig sa titig. Sa tinik na nasa tabi ng daan at bubog ang tatapakan upang makita ka lamang. Masilayan at maging dahilan ng kasiyahan.Kani-kanina lang nakuha ko ang iyong mga ngiti. Tumigil ang oras habang minamasdan ang lumipas na saglit. Ito'y dumadaloy. Habang buhay ay hindi ko pakakawalan. Si...

Una at Huli

Ang mga ilaw na sumalubong at unang bumati sa pag-ahon mula sa sinapupunan ng ina siya ring huling hantungan , at gumagabay sa bawat yapak mong naiwan Luha, luha ng kaligayahan ng bawat taong humawak sa iyong lahi, Siya ring babagsak at luluhod sa kadalamhatian

Espanya, sa Likod ng Katawang Pangkalawakan

Kay sarap kahit panandali ang mapaso sa init ng damdaming kakaiba sa kulo ng langit Ang singaw ay malaimpyernong tunay sa ibabaw ng dibdib Ang walang humpay na daloy ng dugo sa bawat ugat ng kaisipan Mas higit pa sa lamig ng ng dulas ng yelo sa taglamig Bawat hinga sa aking ilong at mga mata Ibinabalik ay daigdig ng kapayapaan at saya Ang pagsakop ng mga maninirang dalubyo sa sariling sanlibutan Matatakasan at madudulasan ang mga masasamang nilalang Dahil sa bawat paghawak ng aking mga kamay sa iyong magarang damit Lambing at kalayaan lamang ang iyong mga sinasambit Sa pagkuha nating ng kanya-kanyang apoy Isipin natin na patuloy ang liwanag sa kahirapan Kahit madalas mamalik mata sa putukan Habang tinatahak ang lugar ni senador Nalayang ang katangi-katanging halina ng isang multo Nakikipag-unahan para mapansin At makita ang malaking lobong puti Sa mga buhay na yelong naglalakad Tumatalbog sumisipol ang mga singkit na kalawit Sa harapan ng pintuan sa katawang pangkalawakan Talagang wala...