Skip to main content

Posts

Showing posts from 2009

Kaguluhan

Sumuka sa huni ng binibini Pasirkong lagpak sa palapag Sumambulat ang kahibangan Panahon na di mababalikan Tumimpla sa daloy ng balon Panibugho ni Adan sa Diyos Pisil ng hayop sa kalamnan Ang sugat na kinamuhian Patago sa init ng araw Umaalpas sa lamig ng bituin Idlip na animo'y bangungot Sumisilip ng walang lintik Ang talbog ng dibdib nananaginip at nagmimithi Ang mga sinaunang sarap Makamtan muli Lumabas sa unos Sa kaulapang maliwanag Pagpigil ng ngiti Lumipad ng tuluyan Umaagos ang ginto Humihiyaw ang sirena Tingin sa mga nakausad Matatahimik na

Ang Mga Tao sa Layb (part 3)

basahin ang part 1 basahin ang part 2 Nilapit ko ang libro sa aking humahabang ilong. Ginalaw ko ang aking leeg, paikot na pakanan, paikot na pakaliwa habang hawak ang libro sa kaliwang kamay, sinilip ang ilalim ng mga mesa sa tabi, baka nagtatago ang may-ari. Tiningnan ko ang libro. Nakabalot sa isang espesyal na kulay, lila. Natibo ako ng mga maliliit at malalambot na balahibo na tekstura ng balot. Imbis na makasugat ito ay nagbibigay kiliti sa aking mga daliring pilit kumakapit. Huminga ulit, ngayon ay malalim. Ang kanyang halimuyak...ay parang isang nagtatagong hardin sa likod ng isang mansyon, mabigat ang hangin, maaamoy ang simoy ng mga nagkalat na bulaklak, ang maligamgam na init ng iyak ng umaga, ang pagaspas ng mga tangkay ng puno habang sumasagi ang malambot na hangin, ang mga damong tila kumakalabit sa paa at ang hamog na dahang-dahang kinukulayan ang kapaligiran. “Sino kaya may-ari nito? At sinong tao ang gagamit ng cover na ganito?” Binuksan ko ang libro, ang u

Ang Mga Tao sa Layb (part 2)

(basahin muna ang part 1 ) Inalis ko ang upuan sa pagkakabit nito sa mesa. Pinili ko ang pang-isahang mesa ngunit konektado sa lima pang mesa sa tabi nito. Ang mesa na may tatlong harang para sa gagamit. Isa sa kaliwa, isa sa kanan at isa sa harapan. Ginawa ito para hindi masayang ang oras sa pakikipagtinginan sa taong nasa harapan. Kinabig ko pa ang upuan. Naglabas ang sahig ng isang iyak na para bang kinahig ng matalas na paa ng upuan ang tiyan nito. Tumingin ako sa paligid. Walang tumingin maliban sa babaing nakaupo sa gitna na nangongolekta ng ID para sa mga taong nananabik na pumapasok sa espesyal na seksyon ng silid-aklatan. Baka ilusyon lang ang mga ibang tao at sa totoo’y kami lamang dalawa ang tao sa layb. “Kalokohan.” Umupo na ako. Nilapag ko ang dalang libro at bag, pati na rin ang pabigat sa aking dibdib, bumuntong-hinga...mabigat pa rin. Binuksan ko ang papel na nakabalunbon sa isang matigas papel na may plastic na ‘di hamak na mas malaki sa isang normal na

Ang Mga Tao sa Layb (part 1)

Pumunta ako sa silid-aklatan, isang lungga ng mga maiingay na utak sa gitna ng nakakabinging kapayapaan.  Maraming bubwit na nakaupo.   Marami ang nagsisipatan.  Marami ang nagtitinginan.  May hindi mapakali. Mayroon namang nagprapraning-praningan. Nakakasilaw ang galamay ng kalangitan na padalos-dalos na tumatama sa ibabaw ng mesa at sa mga sulok ng kisame at walang sawang tumitilamsik sa itim ng aking mga mata.  Sa gawing kanan naman ay ang mga higanteng bintana na nakukulayan ng mga luntiang dahon ng mga punong matatanaw sa labas. Ang mga tao, nakaupo, umuupo, iba’y tumatayo. Ang kanilang mga mukha ay guhit ng isang larawang punung-puno ng anino at tila mabibigat ang mga dala. Ang iba ay nakatuon sa kawalan, nakatunganga, blanko, at tila ba nasa ibang oras at hinigop ang kanilang pag-iisip ng isang namatay na araw sa kalawakan. Ang ilan naman ay nagpapakahenyo at na-eengganyo sa paulit-ulit na pagbasa, pagsambit sa isip, at pagtungo sa pagpayag nilang lamunin

What is the difference between Tagalog and Filipino?

Tagalog used to be the National Language of the Philippines. Its existence can be traced back from the pre-Spanish Era. Tagalog is an olden language . Rajah Sulaiman was the Datu of the Tagalog Kingdom before it was forcefully taken by the Spaniards in the 15th century. The Tagalog people are the people who lived near the Ilog Pasig, hence, the term " Tagalog ", which is a contracted word of " taga-Ilog ". The Tagalog alphabet is also known as the " abakada " which is comprised of the following letters: A B K D E G H I L M N NG S T U W Y Pronounced as: A BA KA DA EH GA HA I LA MA NA NGA PA RA SA TA U WA YA The Congress changed the National Language to Filipino in order to unify our divided native tongues, because aside from the Tagalog Language, the Philippines also has other languages/dialects such as Cebuano, Ilonggo, Ilocano, Bicolano, Kapampangan etc. Although the Filipino Language is mostly based on Tagalog, it offers "direct adaptation"

Sinagtala

Parang asong buwang na nakaalpas Sa abusong bato na marahas At ngayon patungo na sa kolehiyo 'Sang bultong bagahe ang hatak ko Sa sinagtala ang aking dormitoryo Sa bagong bintana ng mundo ko Namasid kang naglalakad sa ulap Sa ating mata tayo'y nag-usap Pinakilala ka ng kasama ko Gradweyting sa devcom na kurso Ako freshman sa kursong bio Hindi ba tila nagmamadali ako Sa isang inuman tayo nagkasipatan Ang lambanog na asul ay ubus-ubusan Kuwentuhan sa dilim ng lalim ng gabi Natapos ang drama sa simbang-gabi Sa unang sulyap sa bandang kinagisnan Sumingit sa pila ikaw ang pumaraan Sa unang dinig ng ingay at himig Langit ang tabi habang El Bimbo'y tuminig Salamat sa alaala binibining maganda Bagong sibol pa lang ako, ika'y paalis na Maging mabait sana ang tadhana sa iyo Ang unang lumagi sa aking dormitoryo

Wala ng mas gaganda rito

Sa piling mo ako ay lumigaya Isang damdaming hindi makuha kung wala ka Sa yakap mo Dama ko ang init Ang sabik ng pag-ibig nating pilit Pinagkakasya kahit nakapiit Ikaw ang dahilan kung bakit ako narito Ikaw ang rason ng pag-ikot ng aking mundo Tinititigan ka habang nanaginip Magkaisa ang mundo at langit Sa patak ng ulan ikaw ang nag-iisang ilaw Sa dausdos ng tubig hindi tayo bibitaw Wala ng sasarap dito Ikaw ang gusto ko Ikaw ang pangarap ko Ikaw ang nasa puso ko Humihinga dahil sa iyo Umiiyak para sa iyo Nabubuhay para ibigin mo Wala ng mas gaganda rito

Kondo

sumisilip-silip sa LCDng mainit maingay na ang hard drive information overdrive naghihintay sa 26th floor ang tagal ng elevator ang sliding door express to groundfloor pugaykamay si Mr. Bean sweater ng mga praning yuppies on the go classy as they come and go daming seksing babae strapless, backless, flawless super short shorts, sleeveless sale nga pala 50% less yosi sa tabi gimik sa bar cute korean gals crowding the store tambay sa el pueblo kain sa tiende labas ng todo walang iniintindi

Bula

kusang mababalisa ang mga kalbong puro lisa taimtim na mata ng pusa bibigti ng kusa pilit na maiipit sampayan at sipit makukulit na pinipilit ang kandilang kapit yakap ang unan sakit ng kalamnan padyak ng sagwan putik ng sinapupunan andito't sumasanla tila pinupunla bayani ng madla nawala parang bula

Hayskul Crash circa 1997

Nakatingin sa blackboard pretending not to be bored. Nakikinig sa teacher, ayaw mabato ng eraser. Sa gilid ng mata maykung anong linta, una'y di inalintana. Ba't ko papansinin? Ba't ko aasamin? Ba't ko pag-aaksayahan ng panahon? This lecture is more important come on. Ngunit mapusok ang sinumang nasa sulok. Lintik kung makatitig, bagsik sa kilig. Gumawi sa may kaliwa, doon sa bintana Anak ng palaka, ang long time crush ko mukang may tama Sa akin Seryoso di ako mahangin Itapon mo man sa bangin. Nakatingin siya sa akin. Yes panahon ko na. Sa wakas ako'y napuna. Gagawa ako ng tula para sa kanya. Namalik-mata, parang may kaba. Baka di ako ang asinta. Tumingin sa kanan at sa kaliwa. Baka sa labas, wala namang ibang bakas ng kalalakihan o ng ibang kausap, tumingin ng pabalik like "what's up?" Nagtitigan kami ng walang imi, parang tinginang romeo and juliet ang sumasapi Ilang segundo rin tumigil ang oras. Ang paligid animo'y nanigas Titig niya kanyang ina

Tambay

Ang isip pumapatak sa kalituhan Bawa't segundo'y hinihintay Nais palayain ang sarili ng marahan Bumalik sa nakaraang tunay Blanko ang naturang pag-iisip Umiiwas sa mundong kinagisnan Walang adhikain kundi sumilip Lustayin ang oras ng walang malay Sirain ang oras sa pag-idlip Hanggang ngalay ay sumapit Lakad sa kalye muka'y takip Kalam ng sikmura'y lumalapit

Nagugunaw na ang Mundo

hinahabol hinhabol ng hinga sumisikip sumisikip ang dibdib lumulubog lumulubog sa tubig Sa kailaliman kailaiman ng mundo walang matapakan walang mahawakan hindi na kayang isalba pagkat nagugunaw ... nagugunaw na ang mundo nadadapa nadadapa sa putik umaagos umaagos ang dugo lumilipad lumilipad sa ulan nasisindak nasisindak sa iyo...

Atim

Isang pangarap na animo’y isang matayog na bituin Kumikislap na mag-isa sa isang tanawing may isang libong araw Kagustuhan ko mang tumitig at maabot ang langit Hindi ko maaaninag at animo’y nabubulag Naluluha at natutunaw sa pagpipilit na lumaya Sa kaputikang dala ng aking lahi Gusto kong alpasan ang mga karayom na nakaukit sa aking katawan Kalagan ang mga kadenang nagpapahirap sa bawat yapak Tanggalin ang koronang nagpapayuko sa bawat pagtingin Ang kapang sumasapaw sa lahat ng aking galaw Palayain ang sarili sa kawalan Tumakbo sa daang walang hangganan Akyatin ang matarik na talampas At sa pinakahuling sandali ng aking pagtalon sa bituin Ito pala’y lubog sa karagatan na pula Kumukulo, umuusok at walang hanggan Ako’y nalulunod sa sariling kanaisan Pinapatay ang katawan At sa sandali ng pagsagap ng hininga Isang kaparasuhang tangan Hindi alam ang gagawin Languyin na lamang Baka may lupa sa walang hanggan Ngunit sa bawat pagsagwan ng aking katawan Tila may balyenang dala sa likod Ang bal

Adik

Hindi makaalpas sa sariling piitan Animo’y isang sawa sa katawan Ngunit kung lalapitan Ay isang dagok sa kaibuturan Hindi na lalaya sa mga pangarap Nahulma sa gitna ng kabataan at katarantaduhan Sumusuot sa bawat dilim ng pag aari Ang sawang gahaman Naghuhukay ng sariling lamay Sa bagal ng galaw ng buhay Masisira ang mga lahi Titigil at ikakamuhi Iniisip sa kawalan Ang mga pantasyang lumulutang Napapapikit sa saya Pagkamulat ay masagwa Kailan maaatim ang kaginhawaan Alam ko rin ang sagot sa katanungan Maaaring bukas masimulan Ang pagtigil sa sariling kalamnan

Ako ay para sa Pilipinas, hindi sa Con-Ass

di ako papayag sa pambabastos sa ating konstitusyon ng mga naghahari-hariang sawa sa pulitika di ako papayag sa pagdumi sa ating bastiyon ng kalayaan, karapatan at simbolo ng ating kultura huwag tratuhin ang masa bilang indiyo ng mga kastila huwag asamin ang kapangyarihan na ibinigay ng bayan huwag gawing bulag ang mga matang tuon sa bandila huwag maging balakid sa pagsulong ng kapayapaan bakit kayo gahaman sa pusisyon, korupsyon at pera hindi niyo ba nakikita ang kalagayan ng Pilipinas at kanyang masa hindi niyo ba nasisilayan ang bagsak nating statura bakit hindi na lang ilagak ang oras sa kabutihan ng bansa hindi ngayon ang panahon para sa con-ass ngayon ang panahon para sa pag-aaklas ng malayang pagsusulat sa mga hinaras mahalin ang kulay ng bandila ng Pilipinas

Ba't 'di ka na lang tumula?

Ba't di ka na lang tumula gamit ang mga salita Ipagkalat ang damdamin kumausap sa wala Ingles o Tagalog maaaring mababaw o malalim Pumikit at hayaang ang puso't isip ang umamin Ritmikong pagsusulat hindi inaalintana Irregulat man, apatan, tatluhang linyahan Pulitikal, kultura o anong kabalbalan Kahit anong istilo hindi kailangang klaro ang laman Mahalaga'y maisulat kung ano ang nasa abog Matinding sikat ng nakakasilaw na araw, sa gabi'y lulubog Galit ang ulap, umiiyak at sumabog, yero'y kumakalampog Bumalikwas sa double deck, tumayo't uloy naumpog Kesa mambastos, cyberbully o mang-flames Bullying around using your anonymous planes Or if not pretending you are smart, made up of manly shame Rallying with your online blog friends proud to be ashamed Ba't di ka na lang tumula gamit ang mga salita Ala Gat Jose Rizal, sandata ng mga makakata Umiibig, nananaginip, nagdarasal, nagwawala Kesa ipagkalat kung ano ang isusuot sa tunggaan mamaya

Pangalawang Bato

Inilarawan ng sarili ang aking bato Umikot at tumungo ka sa bintana Lagyan ng papel na itim ang likod nito Nang makita mo ang maliit mong mundo Nakapalibot sa mga panaginip na bato Sa mga pag-asang lunod sa putik Isang malaking dahon ng tinangay ng hangin Hindi na makikita mapakailan pa man Maglalaho, mawawala sa sanlibutan Katulad ng aking pananampalataya Sa pagmamanman sa mundo Na lahat ay nakakapagod At sadyang puro kapangitan at angas Isang paglulustay ng oras at panahon Ang manatili sa mundo sa batong to Sapagkat inis at galit ang bumubuhay sa utak mo Sadyang maikli at maliit ang ulo mo Init na galing sa yelo Ay marahang umiipis sa iyong puso Ngunit di ka rin masisi Sapagkat ikaw ay nadiktahan Ng mga puwersang di mo namamalayan Lahat ng pangyayari ay may mga tenga May mga lubid na nakabuhol Dala dala sa pagtanda Ipinasa ng walang awa Walang isip-isip Winalang hiya

Sapa ng Palay

sa gintong palayan, ang huni'y nagising, kanina'y naidlip sa daloy ng panaginip habang nasisilayan ang katotohanan at nakita kitang lumilipad walang bahid na kalapati ang katulad sa dulo ng kahong kulungan naipit ng kung ano ang pakpak habang nakatuon sa biluging mata na siya lamang daing at nagniningning sukob ng langit ang daloy ng buhay nawawala sa ulirat ng banggain humingi ng direksyon sa apoy na gulat ang siyang nakatali at nakabigti hindi kailan man magkakatingin tapusin na ang paghihintay inipit ng langit at panahon na sana'y matagpuan ang sarili lumilipad sa kaibuturan ng iyong mundo gamit ang pighati sa paghahanap sayo umuulan ng kalungkutan sa gitna ng mga buwan samantalang hindi alintana ang bugso ng mga ulap tumatakas at nakikiusap o sana sa pagtayog ng ilaw sa malamig na panahon kung saan malaya sa pag-aalinlangan isang pangarap na taglay alamat ng sapang palay

Rambol

Kagagaling lang sa may kanto Nakipagbuno sa sindikato Alam ko ang buo nilang plano Dalawa kaming walang sinasanto Ang usapan, ako sa kanan, siya sa kaliwa Tumatakbo na kami at rumaragasa Kumukuha na ng bato at pala Sumulyap sa kaliwa, isang iglap nawala Pasugod pa rin, natalisod, naumpog Sinapak, tadyak, kumalampog Paningin nagdilim, puso'y sumabog Hatinggabi'y sumilip, umulan, kumulog Kakagaling lang sa may kanto Dala ang mundo, nakayuko Maraming nakatinging tao Humakbang ng mabilis, tumakbo

Leong Mabalasik at Kalapating Uwak

ang hulma animo'y leong mabalasik aligasgas ng balahibo'y napakaimi guhit ng mga mata'y nagbabadyang maghasik pagbaling sa salamin anyo'y maputi pero putik ayon sa kalangitan ang kanilang ginagawa lumusong at bumaba sa kalapating hapo niyurak ang pakpak ng walang awa umiyak ang umaga lumipad ang lupa ngayon ang kalapati'y tinubuan ng sungay naging kaliskis ang balahibong tunay pakpak na sapat nawala ang ulirat lumabas ang sibat sa natamong sugat habang si leon ay nagkubli sa lupa naging anyong uwak ang kalapating sinumpa isinabog nito ang kaitimang dala ang balahibo't pakpak maitim na nais ng uwak tumuntong sa tuktok ng mundong dilim balutin ang dagat ng budhi niyang itim itumba ang sinumang umalis sa takipsilim tingnan sa salamin, siya'y naging leon din o mga hangal na ibon kayo ang dahilan ng pagbagsak at pag-urong ng buong katauhan ikaw leon, pinorma ang kalapating, uwak ikaw leon, imahe ng dios mo'y muka mong tumpak mga leong mabalasik galing kayo sa

A Lifetime's Worth of Education (from a Filipino Thomasian Medical Student)

...because even if you have attained the highest level or position in the medical field, you are always a student of medicine. I wrote this blog on March 10, 2006 in my yahoo 360 account as an attempt to blog about my medical life (which I failed to do). This was written days before I became a 4th year student, a medical clerk, or in the medical lingo, "the lowest life form in the hospital"... Ever since I entered medical school, my whole life turned up side down. It was like I’m adrift into the whirling pool of uncertainties. I counted every moment, every second, living it day by day. They said it would only take a short time to finish medicine, the hell with it (4 years of pre-med, 4 years of med proper, 1 year of internship, 3-5 years of residency and 1-2 years of fellowship). Partially it was true, toxicities make time fly in lightspeed. I am a 3rd year medical student at UST Faculty of Medicine and Surgery and an incoming clerk (duty starts at april 15). Whenever I remin

Revalida

tingnan ang salamin takot ang bumabalot sa agos ng buhay baka tuluyang matangay marami nang nilaan yumayanig ang laman baka hindi sapat ang lahat inuulan ang sumisipat, bumabakat ang kaba'y pumipintig sa bawat sulok ng aking mga buto sa makulimlim na pangarap kailan ma'y 'di nakaranas ng ganito saan kukuha ng lakas, kaunting dausdos pipigtas sumasanib ang dilim, namamawis ang kamay nayuyurakan ang loob at pumapalibot sa numerong taglay ang kandado sa pagsulong ng mundong may saysay samantalang patuloy sa pagtunog ang alingawngaw at pagsigaw na uhaw ang maitim na bunganga sa likod ng aking ubong sumasama kalagan ang tali sa aking mga kamay at aking isasambulat ang 'di kapantayan ng utak niyang lilok sa 'sang buwang inaamag na tinapay at sa muling pagsasalita nito'y ihahagis ko ang kanyang pamamalakad sa batalyong nauulol datapuwa't malayo na ang aking natahak kapag sumikat ang araw at ang bulaklak ay pula at di lanta kapag ang hamog ay nalipasan na, sadyang k

Medikal Klerk

Si Tonyo, nung isang buwan, galing ng pribado ang mga anak, nag-usap, magpubliko ako ang tumulak sa malubak na semento sa MICU F, lalagak si Tonyo Isang buwan bago ang revalida huling rotation, sa ward ng medisina araw-araw, oras-oras, Q1 kung pumunta ABG sa edematous na braso, na master na Pagpunta sa dialysis isang malaking problema buong batalyon mababait na sumasama mech vent, higanteng O2 tank at suction pa ambubag, O2 carrier, hiram na stretcher, tulak na Kumakaripas, kinakabahan, ako lang ang naiiwan 80/50, ihihinto, may reliever, patient care na naman against all odds, refer to the world, its for service man 160,000 pesos a year, it's never been better, damn 3 days, pre-duty, duty, at from status isang kandilang unti-unting nauubos papasok, sasabak sa baha, lalabas sa clerk's room BP, RR, temp, CVP, suction, at urine output Ang CIC, sabi nila, kahawig ng pamangkin si Tonyo, itinuring na kamag-anak na rin si Tonyo at ang apo, buhay na sining si Tonyo, sa MICU A, nabaling

Bibong Tsubibo

nag-iisip humakbang baka gumewang ang kamay nasa haligi, araw ay sumiwang naninikip ang langit, handa pa rin sumalang lumalabas ang hangin, sa loob ko'y tikbalang nag-iintay, paputol-putol, lumiliko, umiikot nagsisigawan, pausod-usod, sumisirko, natatakot naghihiyawan, papikit-pikit, sumasayaw, baluktot nang umulan, tumaimtim, sumawsaw, bumalot ang kasiyahan, sa kapalaran kapangyarihan, at kapayapaan walang balakid, walang pakialam malaya sa kasalanan nasa tuktok, maraming bundok may ulap sa itass, mayroon din sa lupa sabaw ng boses, naririnig, ayaw ng sumandok bakal na ahas, paatras, dilim ay humupa lumiwanag ang bata'y sumambulat kalabog nawala isa pa nga

Masamang Misis na Kuneho

Oo, ako ay nagtutule, 1st year med pa lang ako, tumutule na ko. Wala kong nakukuhang pera rito. Meryenda lang, minsan lunch na matino. Eh ano ngayon kung tumutule ako, nakapagbibigay-saya naman ako sa mga binatilyong di makatuntong sa ospital na pribado. Tuwing bakasyon, yan ang trip ng medical frat ko. Pumunta sa probinsya, medical misyon, bigay serbisyo sa tao. Walang bayad-bayad, kami pa ang abonado. Ikaw na nanunuya, nakikipagkapwa-tao? Hindi lang tule ang nagawa ko, sa clerkship at internship ko Lahat pinasukan ko, bypass, exlap,tracheostomy, knee replacement at TAHBSO mag-isa akong intern sa TB ward ng San Lazaro sa Fabella, isang damukal na nanay ang napaanak ko. Ilang oras na tulog ang hindi ko tinulog Sa isang linggo, nobentang oras ang duty ko walang holiday, kahit baha, walang pasko kailangan pumunta, di tulad ng trabaho niyo. Ilang pasyente ang tinakbuhan para mag CPR Kinakausap ang pasyente na parang ka-angkan walang bahid ng sama, gusto gumaling lang pinakamarangal na pro

transcendence

when I feel you, I remember the sun blindingly gazing at its greatness, hurting at some shivering off the coldness, embracing the light soaring through the ages, lifting, emerging with calm when i look at you, I see the moon shining amidst the darkness of my mind I tried to be near you, you spoke so gently touched me softly, your smile was one of a kind can we be? let us be, hear me whisper for a minute we may lose our time and for this last moment, before you take your eyes away stare at me for the last time tell me now if we really are one for a second, a million, or for eons at a glance shifting between cycles, returning back when time began breathing slowly, discovering a lifetime of trance

stress buster

parang sa James Bond movie after killing the bad dudes smoothly you are laying on the floor ready to knockdown your door its like the perfumemaker movie after collecting their scents manually isang patak lang, isang shockwave lahat naghubad at nag-enjoy sa rave huwag nang mag-isip kahit may sumilip hinimatay na ang butiking nagflip hindi na mapipigilan ang inip lilipad na ang rocketship ito na ang pinakaaasam huwag na tayong gumamit ng cam baka madownload lang kung saan malapit na kong....

Obra

Ang pangungusap na namutawi sa iyong dila ay sing haba ng baybayin sa mata ng mga mangingisda.Ang utak kong inabuso, ay kasing lawak ng kaitaasan ng kalawakan, kalalim ng karagatan. Ito ay hindi sapat sa pandidiri sa salita mong baluktot at hangal. Lahat ng butas, susuotan. Pagmamaneobra parang ahas sa daan. Mata'y singkit sa kakulitan, ipinanganak ka na isang delubyong maparaan.

Ganid

Ang buhay ay walang katapusang paghangad sa mga bagay na di magapos ng palad. Ang buhay ay isang salamin ng lahat ng pagkakamali. Ang buhay ay walang hanggang pagbagsak sa kawalan ng kalawakan. Hindi alam kung saan titigil. Hindi alam kung saan pupunta. Pagbagsak na walang pagbabalik. Ito ay pag-atim sa maling kamalayan. Pagkapit sa maling dulo ng punyal. Pagkurap sa kadiliman. Pagdilat sa harap ng haring araw. Pagtatanong ng walang kasagutan. Pagtanggap ng walang tanggihan. Buhay ay buhay. Buhay na hindi gamay ng palad. Utang ang buhay o regalo? Karapatan? Magdusa ng kaunti sabi ng hangin. Ang liwanag ay darating kapag umiwas na ang itim na ulap sa labing duguan sa hirap Sapat na sa iyo ang kasya sa mata ko. Wag ka ng lumingon. Buhay mo ay hawak mo. Buhay nga ay ganito. Isang kuwento ng trahedya na nakatago sa kailaliman ng dagat. Tulad ng mga epikong sinungaling kailangan matutunan uli ang pagbabalik sa pagkabulag. Kung maaari akong haplusin ng mga ulap. Mahamugan ng tuluyan upang su

Utak ng Sumpak

Ubusin mo ang letra sa diksyunaryo Sambutin mo na ang imahinasyon mo Ipitin na ng trak ang isip mong bapor Hindi magbabago ang ilog mong katol Pagkat ang konsensya mo'y tado Sa sariling mata, isa kang henyo Isang mapagkunwaring mapagbigay ang totoo, madamot at sablay Ang isang bagay parang haring araw Ang langgam, ga-elepante ang laki Sa tikas mong astig at lumalaban Inutil at walang muwang ang kampi Ang korona nasa ulong ipit Ang talak isang milyong sipit Ang isipang diyos ang tindi Lahat ng makikinig, bibigti

Dingding

Nakatingin sa dingding Nakatuon sa panalangin Na ang langit ay nakikinig Sa bawat luha at hikbi Nakadungaw sa hangin Sa gitna ng mundo Hinihintay ang pagbaling Ng mapayapang abo May masilungan ang puso Bumalot sa kaibuturan ng katawan Takpan ang 'sang libong iyak Ng aking mapanibughong katauhan Sa huli'y uupo ng mag-isa Ilalim ng batong may basang lupa Titingin sa dingding, magnanasa Sabay ang parusa't pabuya

Arkitekto

Naaaninagan ang sarili sa salamin Habang natutulog ng gising ang hangin Ipinamalas nito ang isang lupang tigang At maalat na tubig na tabang Nabubudburan ng maraming halaman At isang libo na estatwa ng Aleman Dama ko ang gabi sa paligid Halos mawari ang bituin sa aking silid Nasilayan ko ang araw sa gitna ng aking mga mata Pumaibabaw ang mga madadayang mangkukulam Haplos ang mga manikang gawa ng imahinasyon Sa bawat pagtuon ng pansin Ilang kulisap ang nais loobin ng matingkad na daluyong Sa huli’y isang kaisipan ang hahantungan Ang pagmamalabis at walang hanggang pagbagsak Katulad ng isang lalaking nakatali sa mapanglaw na gubat At sa bawat lagablab ng aking puso Lumalabas ay lasong dugo Sinasakop ang sariling katawan At bumabalot sa kabaong na aking unan Isang baligtad na krus sa aking harapan At kasal ni kristo sa aking likuran Paghakot sa maling kaalaman Kailan may hindi ko malalaman Pakiramdam ko, ako’y nasa silid Ninakawan ng liwanag at puno ng pagkamuhi Sinasakop ng rason at pag-

Bathala

Tingnan niyo ang angking kagandahan Na patunay na hindi pagkatalo ang pagsama sa iyo Sa ilalim ng ulan at ulap Habang kumakalampag sa sinag ng araw Habang tinatahi ang tadhana Habang nakikinig sa mga huni ng kalapati At tibok ng katauhan Iniisip ang katawan sa gitna ng palayan Iniisip ang buwan sa kabilang mundo Iniisip ang buhay kung magkatabi tayo Iniisip ang bawat sandali na magkadaloy ang kalupitan Ng isang araw na hindi mapapawi ang bugso ng buhawi At magpakailan man nakalutang sa panaginip Ng walang oras at labas sa panahon Mga bathala hindi makababa Mga bathala hindi na maalintana Mga bathala kung saan man Ako ay nasa lupa lang At sa dulo ng hibla ng buhay Ikaw ay lumilipad Hanggang sa mapawi ng karanasan

Mula sa Kahapon

Hindi kilala ng ilan Isang adhikain ng wala Hindi makuha ng sapat Sapat na bukod tangi Sa yaman siya’y pipiglas Ngunit mahirap alamin Ang simula at wakas Sa kanyang muka ay mapa ng mundo Mula sa kahapo’y dumarating Mula sa kahapo’y nanginginig Mula sa kahapo’y tinatawag Ngunit ayaw basahin ang mensahe rito Sa isang bundok siya’y nakaupo, ng tae, hindi ginto Nakasalamin sa dugo, nasilip ang buhay na binulok Sa demokrasya ng diktadurya Tapos na ang paglustay sa mga inosente Sa kanyang muka ay mapa ng mundo Sa kanyang muka ay mapa ng mundo Mula sa kahapo’y dumarating Mula sa kahapo’y nanginginig Mula sa kahapo’y tinatawag Ngunit ayaw basahin ang ...